Friday , November 15 2024

JB Salarzon

‘Jagger-naut’

ANG pagkakatalaga ni Lieutenant General Rey Leonardo “Jagger” Guerrero bilang bastonero ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ay nagpapakita na hindi uubra ang “militics” (military politics) o “bata-bata system” kay Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte. Malaki ang impluwensiya ng mga retiradong heneral ng AFP na nakapaligid sa Pangulo at ilan sa kanila ay produkto rin ng nakinabang o naging biktima …

Read More »

Estratehiya, tamang mensahe

KAILANGAN ng angkop na estratehiya ang Malacañang sa larangan ng komunikasyon upang epektibong maipaliwanag ang tamang mensahe ng Pangulong Rodrigo Duterte sa masa. Imposibleng hindi makikinig ang Pangulo sa kanyang mga alter-ego gaya nina Presidential Spokesman Secretary Ernesto Abella at Presidential Communications Office (PCO) Secretary Martin Andanar. Sa strategic messaging ng Pangulo, angkop na gabay ang kanyang kailangan mula kina …

Read More »

‘Bata’ ni DL, namumurong maging susunod na AFP chief

DAHIL sa pagkakaposisyon ni Major General Rolando Bautista, miyembro ng Philippine Military Academy (PMA) “Sandiwa” Class 1985, bilang bagong Army chief, namumuro ngayon ang kanyang kaklase sa pinakamataas na posisyon sa Armed Forces of the Philippines (AFP) na si Lieutenant General Carlito Galvez Jr. Si Galvez ay kasalukuyang commander ng Western Mindanao Command (Wesmincom) at hindi lingid sa organisasyon ng …

Read More »

AFP, NBI magkaka-share na rin sa STL?

HINDI na nakapagtataka kung aktibong pagagalawin na rin ng gobyerno ang Armed Forces of the Philippines (AFP) at National Bureau of Investigation (NBI) para paigtingin ang implementasyon ng Executive Order No. 13, ang all-out war vs illegal gambling, ni Pangulong Rodridgo Duterte. Kung ano man ang magiging partisipasyon ng AFP, at malamang sa counter-intelligence, ay talaga namang malaki ang maiaambag …

Read More »

Marawi, panatilihing ‘Islamic City’

KUNG ano mang modelo ng komunidad o sistema ng pamamahala ang gustong ilapat ng “Task Force Bangon Marawi” (Administrative Order No. 3 ni Pangulong Rodrigo Duterte) para sa Marawi, dapat panatilihin ang pangalan nitong “Islamic City” (Parliamentary Bill No. 261, 1980). Respeto at pagkalinga ang higit na kailangan ngayon ng mga kapatid nating Maranao hindi lamang sa kanilang pagkatao kundi …

Read More »

Lipat-bahay

NAGPAPASALAMAT ako sa malugod na pagtanggap ni Jerry Yap, ang butihing may-ari nitong pahayagang HATAW, sa kolum natin na unang inilathala ilang buwan pa lamang ang nakararaan ng isang tabloid. Sa dating bahay ng kolum, maraming salamat po! Sana’y matagumpay ang bagong pamunuan ng naturang tabloid. Ang mabilis na pagbabagong-anyo ng pamamahayag dala ng internet, isa rito ang social media, ay talaga …

Read More »