Tuesday , December 31 2024

hataw tabloid

Tellmamailbelate, susubaybayan

May susubaybayan na naman tayo na bagong mananakbo mga klasmeyts at iyan ay walang iba kundi ang kabayo na si Tellmamailbelate na nagwagi sa kanyang maiden race nung isang araw sa pista Metro Turf . Sa largahan pa lang parang sinibat na siya at lumayo agad ng may limang kabayong agwat kahit pa nakapirmis lamang ng husto ang kanyang sakay …

Read More »

Insentibo para sa maliliit na horse owners

Philracom Incentive race sa non-placer, hahataw upang ang lahat ay mabigyan ng pagkakataon na kumita lalo na ang maliliit na horse owners at mapalaganap ang papremyo ng Philippine Racing Commission (Philracom)sa  isang pakarera nakatakdang ilunsad para sa mga hindi nagpapanalong mananakbong  kabayo. Biyayang maituturing para sa NON-Placer na mananakbo ang nakatakdang Philracom Incentive race para sa 2 at 3 year …

Read More »

Ang Zodiac Mo

Aries  (April 18-May 13) Mainam ang sandaling ito sa pag-aksyon.  Perpekto para rito ang iyong enerhiya. Taurus  (May 13-June 21) Kailangan mong iwasan ang tuksong mag-invest ng malaking halaga sa isang tao. Pag-isipan itong mabuti. Gemini  (June 21-July 20) Kailangan mong kumilos at direktang humakbang. Hinihintay ka nilang mauna sa pag-aksyon. Cancer  (July 20-Aug. 10) Minsan, kailangan mo munang tulungan …

Read More »

Wanted: Mario Dela Cruz ( Dead or Alive ) (Part 39)

UMUWING LASING NA NAMAN SI MANG PILO NA LABIS NA IKINAGALIT NI ALING OSANG “Tumatanda kang paurong,” simangot ni Aling Osang sa mister na naupong pasandal sa dingding ng barung-barong.  “Buti ‘ala tayong anak. Kung me anak tayo, pa’ano na? Konting kita, ipinang-iinom pa.” Tinakpan ni Mang Pilo ng palad ang magkabilang tainga upang hindi makulili ang pandinig sa pagbubusa …

Read More »

Probe vs ‘Ma’am Arlene’ isinulong (DoJ tutulong sa SC)

INIHAYAG ni Justice Secretary Leila de Lima na makikipag-coordinate siya sa isinasagawang imbestigasyon ng Supreme Court sa isang ‘Ma’am Arlene,’ ang tinaguriang Janet Lim Napoles ng hudikatura. “In principle, I would go for and support any such probe. And if (the Department of Justice/National Bureau of Investigation) is asked by SC, particularly the (Chief Justice), to be involved in such …

Read More »

1.6-M INC members dadagsa sa ‘Lingap’ (Trapiko tiyak apektado)

TINATAYANG may 1.6 milyong miyembro ng maimpluwensyang Iglesia ni Cristo (INC) ang inaasahang dadagsa sa gaganaping malawakang medical and dental missions na pangungunahan ng FYM (Felix Y. Manalo) Foundation ngayong araw sa lungsod ng Maynila. Sa kabila ng ginawang kautusan ni Mayor Joseph “Erap” Estrada sa mga concerned local authorities partikular na ang Manila Police District upang mapanatili ang kaayusan …

Read More »

‘Alternatibong merkado’ solusyon sa OFWs ban sa Hong Kong

MAY nakahanda nang alternative  markets  ang gobyerno para sa overseas Filipino workers (OFWs) na posibleng maapektohan sa isinusulong na ban sa Hong Kong. Tiniyak ni Labor Sec. Rosalinda Baldoz, hindi pababayaan ng gobyerno ang mga kababayan sakaling maaprubahan ang kontrobersyal na panukala ng isang political party sa nasabing bansa. Una na rin umalma ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa …

Read More »

Chinese dinukot sa China town?

NAGPASAKLOLO sa mga kagawad ng pulisya kahapon ang mag-asawang Chinese, pawang negosyante  upang mahanap ang nawawala nilang anak na umalis sa kanilang tinutuluyang bahay sa Ermita, Maynila nitong Oktubre 8 (2013). Sa salaysay kay SPO2 John V. Cayetano ng MPD General Assignment Section kahapon, tinukoy ng mag-asawang sina Zu Liming (ina) at Shuizheng Wu (ama), 51, Chinese nationals, naninirahan sa …

Read More »

Palasyo tahimik sa ipinasosoling P1-M bonuses ng SSS officials

DUMISTANSYA ang Malacañang sa panawagan ng ilang sektor sa mga opisyal ng Social Security System (SSS) na isoli ang natanggap na P1-million performance bonus. Sinabi ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, bagama’t aprubado na ang nasabing incentives, maaari rin aniyang hindi pa naibibigay ang mga ito. Sinabi ng opisyal, nasa personal na desisyon na rin ng SSS officials kung tatalima …

Read More »

Negosyante itinumba sa agahan

NAKAYUKYOK sa inorder na almusal ang 43-anyos negosyante matapos pagbabarilin ng riding in tandem kahapon ng madaling araw sa isang food chain sa Marikina City. Kinilala ni Sr/Supt. Reynaldo Jagmis, hepe ng Marikina Police, ang biktimang si Rommel Palomares, nakatira sa #16 Aberdeen St., Brgy. Bahay Toro, Quezon City. Mabilis na tumakas ang dalawang salarin sakay ng motorsiklong walang plaka …

Read More »

Baha, landslide alert nakataas pa sa Luzon

BAGAMA’T nasa labas na ng Philippine area of responsibility ang bag-yong Santi, nakataas pa rin ang flashflood at landslide alert ng Pagasa sa ilang lugar sa northern at southern Luzon. Ayon sa weather bureau, inaasahang magdudulot pa rin ng mga pag-ulan at thunderstorms ang “outer rainbands” ng bagyo, partikular sa Ilocos Region, Mimaropa at mga lalawigan ng Cagayan at Aurora. …

Read More »

13 aftershocks naitala sa Marinduque—Phivolcs

UMABOT sa 13 aftershocks ang naitala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) sa loob lamang ng 10 oras matapos ang napaulat na paggalaw ng isang active local fault line sa bahagi ng Boac, Marinduque. Ayon kay Julius Galdiano ng Phivolcs, batay sa kanilang monitoring, ang pinakamalakas na aftershock na naitala ay ang magnitude 4.2 dakong 2:46 a.m. kahapon …

Read More »

Leptos cases sa Gapo tumaas pa

PINAIGTING pa ng Department of Health (DoH) ang kanilang monitoring matapos umakyat na sa 534 ang bilang ng naitatalang kaso ng leptospirosis sa Olongapo City. Sa naturang tala ay nasa 10 ang namatay, ilang araw lamang matapos silang magpositibo sa naturang karamdaman. Ayon sa record ng Olongapo City local health office, ito na ang pinakamataas na bilang ng leptospirosis cases …

Read More »

Kazakh national nalunod, Chinese nasagip sa Boracay

KALIBO, Aklan – Nauwi sa trahedya ang pagbabakasyon ng isang Kazakh national kasama ang kanyang kasintahan matapos malunod sa Brgy. Manoc-Manoc sa isla ng Boracay. Idineklarang dead on arrival sa Metropolitan Doctor’s Clinic sa isla sanhi ng pagkalunod ang biktimang si Valeriy Lotts, 40, taga-Kazakhstan. Bago ang insidente, nagpaalam ang biktima sa kanyang girlfriend na kinilala lamang sa pangalang Yekatiriva, …

Read More »

Progreso sa peace deal ipinagmalaki ng MILF, PH

KAPWA ipinagmalaki ng Philippine government at Moro Islamic Liberation Front (MILF) ang anila’y “substantial progress” sa isinusulong na negosasyon para sa pagbuo ng peace agreement sa Mindanao. Kahapon, tinapos na ng dalawang panig ang 41st round ng negosasyon sa Kuala Lumpur, Malaysia bilang paghahanda sa Muslim holiday na Eid’Ul’Adha. Sinabi ni government peace panel chair Miriam Coronel-Ferrer, target nilang mabuo …

Read More »

292 katao tiklo sa gun ban

UMAKYAT na sa 292 ang bilang ng mga nadakip dahil sa paglabag sa umiiral na election gun ban para sa nalalapit na barangay elections sa Oktubre 28, 2013. Ang mga naaresto ay 275 sibilyan, 10 security guards, apat na pulis; dalawang government employees at isang sundalo. Nasa 230 naman ang nakompiskang baril na ngayon ay nasa pangangalaga na ng Comelec …

Read More »

Ynna, na-hurt nang pagbintangang dahilan ng hiwalayang Derek at Cristine

KASALUKUYAN kaming kumakain ng early dinner ng aming patnugot dito saHataw na si ateng Maricris V. Nicasio sa Grup Restaurant sa ELJ Building nang dumaan si Ynna Asistio patungo sa pictorial ng Christmas Station ID ngABS-CBN at sandali naming tinawag para iklaro ang tungkol sa kanila ni Derek Ramsay. Kaagad namang nagpaliwanag ang dalaga tungkol sa kanila ng aktor. “Medyo …

Read More »

Erik, inaming na-insecure kay Christian

DERETSAHAN naming sasabihin na isa si Erik Santos sa gustong-gusto naming ma-interbyu, may isyu o wala dahil napaka-sincere niyang tao. Nagkukuwento kasi si Erik ng tungkol sa personal niyang buhay at saka sasabayan ng sabing, ‘off the record’ at saka sasabayan ng tawa dahil alam niyang isusulat pa rin namin, ganoon kami ka-open ng nag-iisang Prince of Pop na nagseselebra …

Read More »

Kahit noon pinagbibintangan niya akong may boyfriend…paulit-ulit na sinasabing boldstar ako — Sunshine

“SIGURO ang kasunod na talagang mangyayari sa amin ay annulment. Kasi na-realize ko na rin naman na hindi na kami talagang magkakasundo. Mahabang panahon din naman akong nagtiis. Mahabang panahon din naman ang aking sakripisyo. Kailangang itago ko ang lahat ng problema namin noong panahon ng aming pagsasama. Kahit noon naman pinagbibintangan niya akong may ibang boyfriend. Kahit noon paulit-ulit …

Read More »

Kristoffer, made na! (Malaking billboard, nakabalandra sa EDSA)

MADE na talaga si Kristoffer Martin dahil  kitang-kita sa EDSA ang billboard na kasama niya sina Julie Ann San Jose at Lucho Ayala para sa isang serye. Isa na siyang ganap na Primetime leading man ng Kapuso Network. Kamakailan ay tumanggap din si Kristoffer ng parangal kasama sina Derrick Monasterio at Charee Pineda bilang young Filipino Achievers sa Golden Globe …

Read More »

Strawberry, favorite ng mga artista!

KAPAG ikaw pala ay laging kumakain ng prutas na strawberry, napakaganda ng effect nito sa katawan lalo na sa kutis. Mayroon kasi itong fantastic effect na  namumula-mula na parang baby skin at nagiging  makinis ang mukha at kutis. Kaya pala ang strawberry ang favorite fruit dessert at regular fruit diet ng Hollywood celebrities. Ang strawberry kasi ay may elagic acid …

Read More »

Vhong, nalungkot sa pagkawala ni Binoe sa TODA Max

INAMIN ni Vhong Navarro na nalungkot siya sa pag-alis ni Robin Padilla sa kanilang sitcom na TODA Max sa ABS CBN ilang buwan na ngayon ang nakalilipas. At the same time, pinabulaaan din ng komed-yante ang napabalitang pera ang rason ng pag-alis ni Binoe sa kanilang sitcom nina Angel Locsin. Ayon kay Vhong, nalungkot siya nang husto sa pag-alis ni …

Read More »

Probe vs ‘Ma’am Arlene’ isinulong (DoJ tutulong sa SC)

INIHAYAG ni Justice Secretary Leila de Lima na makikipag-coordinate siya sa isinasagawang imbestigasyon ng Supreme Court sa isang ‘Ma’am Arlene,’ ang tinaguriang Janet Lim Napoles ng hudikatura. “In principle, I would go for and support any such probe. And if (the Department of Justice/National Bureau of Investigation) is asked by SC, particularly the (Chief Justice), to be involved in such …

Read More »