Tuesday , May 28 2024

P2-M shabu narekober ng PDEA sa Iloilo

ILOILO CITY – Tinatayang P2 milyon halaga ng shabu ang narekober ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa isinagawang operasyon sa Brgy. Trapiche, Oton, Iloilo kamakalawa ng gabi.

Nadakip sa operasyon ang mga suspek na sina Orestes Estrebor, 39, at Christian Morin, 18, kapwa residente ng Poblacion, Oton.

Ayon kay PDEA-6 Director Paul Ledesma, isang informant ang nagbigay ng impormasyon tungkol sa malaking transaksyon ng droga sa nasabing lugar kaya agad nagsagawa ng operasyon.

Nakuha mula sa mga suspek ang ¼ kilo ng shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P2 milyon.

Todo-tanggi naman ang isa sa mga arestado na si Estrebor na may kinalaman siya sa nakuhang droga sa kanilang posisyon.

Nang nalaman aniya ng kanyang kompare na si Jun Tauro ng Brgy. Calamisan, Oton, na siya ay uuwi, nakisuyo sa kanya na dalhin ang padalang nasa malaking sobre at may kukuha nito sa isang restaurant sa Brgy. Trapiche, na kinahulihan si Estrebor.

Wala aniya siyang alam kung ano ang laman ng sobre ngunit sa huli ay nabanggit na balak dalhin sa Palawan ang sobreng naglalaman ng ilegal na droga.

About hataw tabloid

Check Also

052824 Hataw Frontpage

Para sa firetrucks at emergency medical equipment,
P2.88-B PONDO NG DILG-BFP IPINALABAS NI PANGANDAMAN

INIUTOS ni Budget Secretary Amenah “Mina” Pangandaman ang agarang pagpapalabas ng kabuuang P2.880 bilyon sa …

052824 Hataw Frontpage

Ipinagkanulo ng nalaglag na belt bag  
‘GUNMAN’ SA LTO EXEC AMBUSH ARESTADO

ni ALMAR DANGUILAN ITINUTURING ng Quezon City Police District (QCPD) na lutas na ang pagpaslang …

Tacloban Leyte

Anti-government rally ng Maisug pumalpak

KINANSELA ng Maisug anti-government rallyists ang kanilang protesta sa Tacloban City sa Leyte province makaraang …

Drug den sinalakay MAINTAINER, 3 GALAMAY TIKLO

Drug den sinalakay
MAINTAINER, 3 GALAMAY TIKLO

Sinalakay ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang isang lugar sa lungsod …

Designers, mga mananahi ng Gitnang Luzon target tulungan ng ‘Pustura’ Fashion Show ng DTI

Designers, mga mananahi ng Gitnang Luzon target tulungan ng ‘Pustura’ Fashion Show ng DTI

MATAGUMPAY na idinaos ng Department of Trade and Industry (DTI) ang pasinayang pagtatanghal ng ‘Pustura,’ …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *