ITINALAGA ni Pangulong Rodrigo Duterte si Lt. Gen. Eduardo Año bilang bagong Chief of Staff ng Armed Forces of the Philippines (AFP). Ito ang kinompirma ng isang source mula sa Palasyo na may alam tungkol sa appointment ni Año. Si Lt. Gen. Año ay kasalukuyang commanding general ng Philippine Army. Dati siyang nagsilbi bilang pinuno ng Intelligence Service of the …
Read More »General amnesty sa political prisoners hiling sa Kamara
HINILING ng Makabayan bloc sa Kamara na bigyan ng general amnesty ang political prisoners sa bansa. Umapela ng suporta sa mga kapwa mambabatas sina Gabriela party-list Rep. Arlene Brosas at Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate para makalaya agad ang mahigit 400 political prisoners. Binigyan-diin ni Brosas, hindi dapat ginagamit bilang bargaining chip ang political prisoners para sa mga negosasyong …
Read More »Drug suspect itinumba ng tandem
BINAWIAN ng buhay ang isang 26-anyos lalaking hinihinalang sangkot sa droga makaraan pagbabarilin ng dalawang hindi nakilalang mga suspek na lulan ng motorsiklo kahapon ng madaling-araw sa Pasay City. Kinilala ng pulisya ang biktimang si Jenlet Buenaventura, ng 2903 C. Cruz St., Brgy. 147, ng nasabing lungsod. Base sa ulat ng Pasay City Police, dakong 1:20 am habang nakatayo ang …
Read More »Bebot patay sa hit and run sa Naga City
NAGA CITY – Nagkalasog-lasog ang katawan ng isang hindi nakilalang babae makaraan mabiktima ng hit and run sa Brgy. Mabolo sa lungsod ng Naga. Ayon sa ulat, nangyari ang insidente dakong 2:00 am kahapon sa Maharlika highway sa nasabing lugar. Hindi pa mabatid ang klase ng sasakyan na nakasagasa sa biktima. PinaniniwalaangBebot patay sa hit and run sa Naga Cityv …
Read More »Criminology student tiklo sa drug raid
GENERAL SANTOS CITY – Arestado ang isang 2nd year criminology student sa buy-bust operation ng Regional Anti-Illegal Drugs Special Operations Task Group (RAIDSOTG) sa lungsod. Kinilala ni Supt. Maximo Sebastian Jr. ng RAIDSOTG, ang suspek na si Asrap Belon Usman, 22, residente ng Brgy. Sinawal nitong lungsod, at nag-aaral sa isang pribadong kolehiyo. Positibong nabilhan nang nagpakilalang posuer buyer na …
Read More »Drug test sa tricycle at truck drivers
MAGANDA ang resulta ng kampanya ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte kontra droga. Kung tutuusin, kumonti na talaga ang mga adik sa mga komunidad at ang mga drug pusher naman na nagtatangkang lumaban ay ‘pinatahimik’ na. Bagama’t patuloy ang kampanya ng Philippine National Police sa ipinagbabawal na gamot, masasabing may shabu pa rin sa kalsada na nabibili ng mga adik. Tama, …
Read More »PNoy, alipores sasampolan ng Duterte admin (Sa kampanya kontra katiwalian)
SASAMPOLAN ng administrasyong Duterte si dating Pangulong Benigno Aquino III at kanyang mga alipores sa kampanya kontrakatiwalian. Ito ang tugon ng Palasyo sa panawagan ng makakaliwang grupong Anakbayan na ipursige ng administrasyong Duterte ang pagsasampa ng kaso laban sa mga opisyal ng gobyernong Aquino kaugnay sa mga isyu na may kinalaman sa korupsiyon gaya ng Disbursement Acceleration Program (DAP), calamity …
Read More »Sabi ni Trillanes: Pahayag nina Dayan at Espinosa kontrolado
TAHASANG sinabi ni Sen. Antonio Trillanes IV, parehong hindi credible o kapani-paniwalang mga testigo ang itinuturing na drug lord na si Kerwin Espinosa at ang dating driver/lover ni Sen. Leila de Lima na si Ronnie Dayan. Aniya, hindi kapani-paniwala ang mga pahayag ng dalawa dahil “under duress” o pinipuwersa silang ihayag ang mga iniuutos sa kanilang sabihin kahit kasinungalingan na …
Read More »Dayan may bagong ikakanta (Makaraan ma-contempt)
NAGING positibo pa rin ang resulta nang pagharap ni Ronnie Dayan kaya pinauwi na siya makaraan ma-cite ng contempt. Ayon kay Sen. Panfilo Lacson, kamakalawa ng gabi ay bumiyahe si Dayan, kasama ang mga bantay patungo sa Pangasinan. “Kaya binibigyan natin ng pagkakataon para mahimasmasan,” wika ni Lacson. May mga bago rin daw silang natuklasan sa testimonya ng dating driver …
Read More »De Lima kulong sa 2017 — Alvarez
INIHAYAG ni House Speaker Pantaleon Alvarez, kailangan nilang maging mas maingat sa posibilidad na ipaaresto si Sen. Leila de Lima. Bukod sa iniiwasan nilang humantong ang sitwasyon sa banggaan ng Senado at Kamara, nangangamba si Alvarez na baka magamit lamang ni De Lima ang pagpapaaresto sa kanya upang makahatak ng simpatya sa publiko. Gayonman, umaasa pa rin siya na sa …
Read More »Pinay DH sa HK 16 taon kulong sa drug case
HINATULAN ng 16 taon at anim buwan pagkakabilanggo ang isang dating domestic helper (DH) na naaresto sa Hong Kong airport nitong Pebrero dahil sa pagdadala ng halos apat na kilong cocaine, makaraan mag-plead guilty nitong Nobyembre 30. Ayon sa Sun Hong Kong, si Judge Esther Toh ay nagbigay ng one-third discount sa guilty plea ni Rizza Mae Argamoso. Habang inihayag …
Read More »Sweet 16 na-gang rape ng 4 totoy
CAUAYAN CITY, Isabela – Sinampahan ng kasong rape ang apat kalalakihan na inakusahang halinhinang gumahasa sa isang dalagita sa Santiago City. Nakakulong na ang mga suspek na kinabibilangan ng isang 18-anyos binatilyo at tatlong menor de edad na 13 hanggang 17-anyos. Ang biktimang si alyas Alet, 16-anyos, ay nasa pangangalaga na ng “Bahay Namnama” sa Balintocatoc, Santiago City. Nagsumbong sa …
Read More »3 katao natabunan ng lupa sugatan (Sa Mt. Province)
BAGUIO CITY – Sugatan ang tatlong obrero makaraan matabunan nang gumuhong lupa sa Sitio Finew, Samoki, Bontoc, Mountain Province kamakalawa. Kinilala ang mga biktimang sina Nestor Magkachi Manochon, 60; Calsiman Chonchonen Ofo-ob, 19; at James Fomocao Challoy, 52, pawang mga residente ng Bontoc, Mt. Province. Batay sa inisyal na imbes-tigasyon ng pulisya, inilalagay ng mga biktima ang pundas-yon ng itinatayong …
Read More »2 bata patay, 2 sugatan sa Basilan blast
ZAMBOANGA CITY – Binawian ng buhay ang dalawang batang lalaki at dalawa ang sugatan makaraan sumabog ang isang improvised explosive device (IED) sa munisipyo ng Albarka sa lalawigan ng Basilan kamakalawa. Base sa inilabas na ulat ng 104th Brigade ng Philippine Army sa Basilan, kinilala ang mga namatay na sina Hamodi Anali, 10, at si Alkodri Anali, 8-anyos. Habang ang …
Read More »Trike driver dedo sa boga
BUMULAGTANG walang buhay ang isang 40-anyos tricycle driver na kabilang sa drug watchlist ng pulisya, makaraan pagbabarilin ng riding-in-tandem kamakalawa sa Tondo, Maynila. Hindi na umabot nang buhay sa Gat Andres Bonifacio Hospital ang biktimang si Jonathan Bandojo, 40, miyembro ng Commando gang, at residente ng 301 Santiago Street, Tondo, Maynila. Ayon sa imbestigasyon ni PO3 Aldeen Legaspi, dakong 11:10 …
Read More »Edukasyon hindi condom
HINDI kaya nag-iisip itong si Health Secretary Paulyn Ubial nang sabihin niya na sa susunod na taon ay magsisimula na silang mamahagi ng condom sa mga paaralan para iiwas ang mga kabataan sa patuloy na pagtaas ng kaso ng HIV/AIDS? Ngayon pa lang ay ramdam na ang init ng pagtutol hindi lamang ng Simbahang Katolika kundi ng mga magulang at …
Read More »Kerwin, Dayan, Espenido magkakasalungat (May sinungaling — Drilon)
NAKAKITA ng mga palatandaan ng “fabrication” ng testimonya si Sen. Franklin Drilon sa pagtatanong niya kina Kerwin Espinosa, Ronnie Dayan at Chief Insp. Jovie Espenido sa nagpapatuloy na pagdinig ng Senado kaugnay sa pagkamatay ni Albuera Mayor Rolando Espinosa. Nagsasalungatan ang pahayag ng tatlo kung sino ang nagpakilala sa isa’t isa upang maging bahagi ng transaksiyon sa drug money. Giit …
Read More »Hirit ni Pacquiao contempt Dayan (Statement paiba-iba)
ISINULONG ni Sen. Manny Pacquaio na i-contempt si Ronnie Dayan. Ayon kay Pacquiao, hindi siya kontento sa mga paiba-iba at kulang na mga impormasyong ibinibigay ni Dayan sa mga senador. Dagdag ng fighting senator, kahit anong sagot ang gawin ni Dayan ay nakukulangan siya sa mga sinasabi sa pagdinig. Sinang-ayonan ni Sen. Vicente Sotto ang mosyon ni Pacquiao at sinabi …
Read More »Bato, De Lima nagkainitan
NAGKAINITAN sa pagdinig ng Senado sina Sen. Leila de Lima at PNP chief Director General Ronald dela Rosa. Nag-ugat ito sa tanong ni De Lima ukol sa nag-utos kay Dela Rosa para i-reinstate si Supt. Marvin Marcos sa puwesto sa kabila nang pagkakaugnay ng opisyal sa isyu ng ilegal na droga. Iginiit ng PNP chief, nagsalita na sa isyung ito …
Read More »Leni pormal na nagbitiw sa HUDCC
PORMAL nang inihain ni Vice President Leni Robredo kay Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang resignation bilang pinuno ng Housing and Urban Development Coordinating Council (HUDCC). Sa kanyang sulat para sa Pangulo, sinabi ni Robredo, ang direktiba ni Duterte na huwag na siyang dumalo sa lahat ng Cabinet meetings ay nangangahulugan na imposible na niyang magawa ang trabaho bilang pinuno ng …
Read More »Hidwaang’ Rody vs Leni irreconcilable — Palasyo
INIHAYAG ni Communications Sec. Martin Andanar, kahit galing sa kalabang partido, itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte si Vice President Leni Robredo sa kanyang official family at ginawang alter ego para isulong ang kapakanan ng taongbayan. Ayon kay Andanar, bilang miyembro ng gabinete, inaasahang magiging team player si Robredo at ang lahat ng pagkakaiba sa polisiya at isyu ay tinatalakay sa …
Read More »Drug lord na supplier ni Kerwin sumuko
BOLUNTARYONG sumuko sa PNP ang isa pang hinihinalang drug lord na supplier ni Kerwin Espinosa, kay PNP chief Dir. Gen. Ronald Dela Rosa sa Kampo Crame. Kinilala ni Dela Rosa ang suspek na si Lovely Impal Alam. Ginawa ni Dela Rosa ang pag-amin sa pagsuko ni Lovely sa pagdalo niya sa Senate hearing kaugnay sa pagpatay kay Albuera, Leyte Mayor …
Read More »“Aksyon Lady” ng Philippine broadcasting nag-resign sa ABS-CBN
TULUYAN nang nagbitiw si Kaye Dacer, matapos ang 19-taon serbisyo, sa isa sa pinakamalaking network sa ating bansa, ang ABS-CBN. Nagpaalam ang Aksyon Lady ng DZMM Aks’yon Ngayon nitong Biyernes, 2 Disyembre, sa kaniyang programa na kasama niya si Julius Babao, bilang co-anchor. Noong nakaraang buwan, nagpaalam si Kaye sa pamunuan ng DZMM na siya ay magre-resign na dahil sa …
Read More »Kabastusan ni Baron, tinuligsa ng PAMI; aktor, banned na sa grupo ng managers
NAGLABAS na ng official statement ang Professional Artist Managers, Inc. (PAMI) na tinutuligsa si Baron Geisler ukol sa reklamong inihain sa kanila ni Ping Medina kaugnay ng insidente sa shooting ng isang pelikula na inihian siya ni Baron nang wala sa script. Sa ipinadalang statement ng PAMI chairman na si June Torrejonkahapon, kinondena rin ng grupo ang kabastusang ginawa ni …
Read More »Libreng med school, telemedicine ng Medgate PH (Sagot sa kakulangan ng doktor)
SA gitna ng halos isang milyong kakulangan sa doktor upang pagsilbihan ang papalaki pang populasyon ng bansa na mahigit sa isandaang milyon na sa kasalukuyan, itinutulak ngayon ang pagsasabatas ng panukalang magbibigay ng scholarship sa mga estudyante ng medisina at telemedicine services upang masiguro na naaabot ng agarang serbisyong medikal ang bawat mamamayan sa bansa. Matapos ipadala ni Pangulong Rodrigo …
Read More »