Friday , December 19 2025

hataw tabloid

Magbaon ng sariling garbage bag

UMAPELA si Quezon City Police District direct­or, C/Supt. Joselito Esquivel nitong Miyer­koles sa mga raliysita, sa anti o pro-administration, na magdala ng kanilang sariling garbage bag sa isasagawang State of the Nation Address (SONA) rallies upang mapanatili ang kalinisan sa mga kalsada. “Ang challenge ko lang sa mga rallyista, both dun sa protester and pro-administration is you bring your own …

Read More »

Tropical depression Inday lumakas

BAHAGYANG luma­kas ang tropical depres­sion Inday at inaasahang lalabas ng Philippine area of responsibility sa Sabado, ayon sa state weather bureau, nitong Miyerkoles. Sa 5:00 pm advisory kahapon, sinabi ng PAGASA, huling nama­ta­an si Inday sa 755 km east ng Basco, Batanes, habang may lakas ng hangin na aabot sa 60 kph at pagbugsong hanggang 75 kph. Sa pagtataya ng …

Read More »

Ipamimigay na bahay, kotse, fake news — Pacman

INILINAW ni Senador Manny Pacquiao na peke ang Facebook post na nagsasabing namimigay siya ng mga bahay at sasakyan bilang balato sa kanyang pagkapanalo sa boksing. Ayon sa bagong World Boxing Association welterweight champion, walang katotohanan at peke ang FB account na ipinangalan sa kaniya at nagsasabing mami­migay siya ng mga bahay at sasakyan kapag nag-comment sa post, nag-share at …

Read More »

P5,000 ayuda sa tsuper ‘di sapat

jeepney

SIMULA ngayong araw ay makukuha na ng jeepney drivers ang P5,000 cash card na subsidy na ibibigay ng pamahalaan sa pamamagitan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board. Isang bagay na pampalubag-loob sa ating mga tsuper na maya’t maya ay dumaraing dahil sa walang humpay na pagtaas ng presyo ng diesel. Ang subsidy na ito ay nasa ilalim ng Pantawid …

Read More »

Klase sa public schools sa Metro suspendido

SINUSPENDE ng Mala­cañang ang klase sa mga pampublikong paaralan at trabaho sa executive branch sa Metro Manila simula 1:00 pm nitong Martes, dahil sa masa­mang panahon. Ayon sa Palasyo, ang klase sa lahat ng antas sa pampublikong paaralan at government work ay suspendido simula 1:00 ng hapon nitong 17 Hulyo. “The suspension of work for private compa­nies, offices, and schools is …

Read More »

OT pay ng BI employees tinapyasan ng Palasyo

MAHIGIT isang taon ang makalipas matapos ipa­ngako ni Pangulong Ro­drigo Duterte na tutugu­nan ang problema sa overtime pay ng mga immigration officer sa airport, inilabas ng Palasyo ang Memoran­dum Order No. 24 para sa implementing guide­lines nito. Batay sa MO 24, natapyasan ang OT pay ng mga kawani ng Bureau of Immigration (BI) sa dati nilang kinikita. Nakasaad sa memo …

Read More »

Suporta kay Leni umarangkada sa NCR, Mindanao

SA kabila ng mga limitasyon at bala­kid, mas ganado si Vice President Leni Robredo na pagbutihin ang kani­yang trabaho, lalo’t nakikitaan ng mas malaking suporta ang kaniyang programa para sa mahihirap na Filipino. Ayon kay Robredo, malaking bagay ang resulta ng pinakabagong survey ng Pulse Asia, na nagtala siya ng 62 percent approval rating — mas mataas nang pitong porsiyento …

Read More »

Publiko ‘wag pilitin sa Cha-Cha

Law court case dismissed

HINDI dapat ipilit ng mga taga-administrasyon ang gusto nila na baguhin ang Konstitusyon kung hindi naman ito nais ng taong-bayan, base na rin sa survey ng Pulse Asia. Nakatatakot ang posibleng mangyari sa sandaling igiit ng Malacañang na ituloy ito nang hindi naiintindihan ng tao. Palasyo na rin ang nagsabi kaya mababa ang bilang ng mga tao na ayaw sa …

Read More »

Negosyante dinukot ng pulis at sundalo

kidnap

KABASALAN, Zam­boanga Sibugay – Dinu­kot ng armadong grupo na naka-uniporme ng pu­lis at sundalo ang isang negosyante sa bayang ito, nitong Linggo ng gabi. Kasama ang dala­wang anak at isang tauhan, nanonood ng TV ang fishpond operator na si Alejandro Bation, 58, sa kaniyang bahay sa Brgy. Nazareth, nang pumasok doon ang anim kidnapper, ayon sa pulisya. Tinutukan umano ng …

Read More »

Presyo ng petrolyo may dagdag-bawas

oil gas price

INIHAYAG ng ilang kompanya ng langis nitong Lunes, na magka­karoon ng dagdag sa presyo ng gasolina ha­bang babawasan ang presyo ng diesel simula ngayong Martes. Papatak ng P0.30 ang dagdag sa kada litro ng gasolina habang P0.15 ang bawas sa kada litro ng diesel, ayon sa abiso ng ilang kompanya. Hindi gagalaw ang presyo ng kerosene. Kabilang sa magpa­patupad ng …

Read More »

Kaso vs Noynoy, Garin, Abad giit ng NBI

INIREKOMENDA ng National Bureau of In­vestigation ang pag­hahain ng kasong tech­nical malversation laban kina dating Pangulong Benigno Aquino III, dating Health Secretary Janette Garin at dating Budget chief Florencio Abad bunsod ng kanilang pagkakasangkot sa pagbili ng P3.5 bilyon Dengvaxia vaccine. Sa sulat na tinanggap ng Office of the Om­budsman noong 13 Hulyo, isinumite ni NBI Director Dante Gierran ang …

Read More »

Contractor utak sa Mayor Bote slay — PNP

TUKOY na ng Philippine National Police (PNP) ang pagkakakilanlan ng umano’y mastermind sa pagpaslang kay General Tinio, Nueva Ecija Ma­yor Ferdinand Bote. Iniharap ni PNP chief, Director General Oscar Albayalde nitong Lunes, ang diagram ng mga suspek sa pagpaslang kay Bote at tinukoy ang isang nagngangalang Christian Saquilabon bilang mastermind. Isa umanong kontra­tista ng mga proyekto si Saquilabon, at pinani­niwalaang …

Read More »

Trillanes tinanggalan ng police escort

ANG pansamantalang pag-alis ng police security escort kay Senador Antonio Trillanes IV, ay bahagi ng “com­prehen­sive review” sa deploy­ment ng mga pulis, ayon sa Philippine National Police (PNP) nitong Linggo. Sinabi ni Trillanes, binawi ng PNP at military ang kanyang security escorts sa pagtatapos nitong Hunyo, at hindi siya binigyan ng Senado ng ano mang security detail. Ayon sa PNP, …

Read More »

Tulak patay sa buy-bust

shabu drugs dead

PATAY ang isang hinihinalang drug pusher na ginagamit ang kanyang bahay bilang drug den, sa isinagawang buy-bust operation, habang arestado ang kanyang kapatid at isa pang kasabwat sa Valenzuela City, kamakalawa ng hapon. Ayon kay Valenzuela police chief, S/Supt. David Nicolas Poklay, dakong 5:45 pm nang ikasa ng mga tauhan ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ang buy-bust operation sa …

Read More »

Malate police station isinara

INIHAYAG ng mga awtoridad nitong Huwebes ang pagsasara sa Manila Police District Station 9 habang nagsasagawa ng general cleaning sa buong pasilidad. Ayon sa ulat, tumu­long ang mga doktor mula sa MPD headquarters sa medical check-ups ng mga preso sa nasabing clean-up operation. Hinigpitan ang seguri­dad para mapigilan ang mga preso sa tangkang pagtakas. Inilinaw ng police station na ang …

Read More »

Rapist na laborer arestado sa CCTV at ‘sutsot’

prison rape

NATUKOY at naaresto ang isang laborer na pangunahing suspek sa panghahalay at pagnanakaw sa isang 14-anyos na dalagita sa Quezon City, kahapon dahil sa mga kuha sa CCTV camera at palagiang ‘pagsutsot’ sa biktima tuwing dumaraan sa harap ng pinagtatrabahuang construction site. Lumuhod at humingi ng tawad ang suspek na si Randy Depra, nang magkaharap sila ng biktima sa Masambong …

Read More »

Boksingero naaktohan sa drug den

shabu drug arrest

IMBES sa boxing ring,  swak sa kulungan ang isang professional boxer makaraan siyang mahuli sa sinalakay na drug den sa Cavite, kamakalawa. Ayon sa ulat, kabilang sa 16 arestado ng mga awtoridad sa Brgy. Mo­lino 3, Bacoor, Cavite, ang suspek na si Julbirth Tubiana. Sa surveillance video, makikita ang lantarang bentahan ng ilegal na droga sa gilid lang ng kal­sada. …

Read More »

2 anak pinatay, tatay nagsaksak sa sarili, todas

knife saksak

TANTANGAN, South Cotabato – Pinatay sa sak­sak ang kanyang dalawang paslit na anak at pagkaraan ay nag­sak­sak sa sarili ang isang 29-anyos lalaki sa ba­yang ito, nitong Martes ng umaga. Kuwento ng kapatid ng suspek, nasa isang compound lang sila ngunit may sariling bahay ang suspek. Sa lola natutulog ang anim na mga anak ng suspek habang nasa Maynila ang …

Read More »

City jail alerto vs flesh-eating bacteria sa inmates

dead prison

NAKAALERTO ang medical personnel sa Manila City Jail laban sa umano’y flesh-eating bacteria na naging sanhi ng pagkamatay ng isang preso nitong nakaraang Linggo. Ayon sa ulat, imino-monitor ng medical per­sonnel ng Manila City Jail (MCJ) ang mga preso na dinapuan ng iba’t ibang sakit sa 24-hour cycle makaran ang pagka­matay ni Gerry Baluran. Si Baluran ay dina­puan ng “flesh-eating …

Read More »

Bisa ng Globe prepaid load isang taon na

INIANUNSIYO ng Globe Telecom na isang taon na ang bisa ng lahat ng prepaid load nito epektibo nitong 5 Hulyo 2018. “Effective July 5, 2018, all Globe prepaid load, including those with denominations below P300, will carry a one-year expiration period,” pahayag ng Globe. Ayon sa Globe, dahil dito ay ganap na silang tumalima sa Memorandum Circular No. 05-12-2017 na …

Read More »

PAGASA bukas sa konsultasyon

INIHAYAG ng PAGASA na bukas sila sa konsultasyon ng mga lokal na pamahalaan pagdating sa suspensiyon ng klase tuwing masama ang panahon. Ayon kay weather fore­caster Ariel Rojas, sumusunod ang PAGASA sa Executive Order No. 66 na nagsasaad kung aling antas sa paaralan ang sususpendehin ang klase base sa storm warning signal. Awtomatikong suspendido ang klase sa pre-school at kindergarten …

Read More »

Pangulong walang isang salita

HANGGANG ngayon ba ay nagtataka pa kayo kung hindi kayang  panindigan ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte ang kanyang mga sinasabi? Bago kayo nang bago. Ilang beses na ba niyang ginawa ito? Iba ang sinasabi sa kanyang ginagawa. Kahapon muling bumanat si Duterte sa Simbahan at muling kinutya ang Diyos. Ginawa niya ang pambabalahura sa Sim­bahan, isang araw matapos ang moratorium …

Read More »

Grab panagutin sa malawakang estafa — Solon

HINIMOK ng isang kongresista na panagutin ang Grab sa malawakang estafa kaugnay sa pagpa­taw nito ng ilegal na singil sa kanilang mga suking pasahero. Ayon kay Rep. Jericho Nograles ng Puwersa ng Bayaning Atleta (PBA) party-list, niloko ng Grab ang mga suki nila sa pagpapataw ng P2 kada minuto na waiting time sa bawat transaksiyon sa pasahero. Kahapon nag-utos ang …

Read More »

BBL siguraduhing naaayon sa Konstitusyon

congress kamara

UNTI-UNTI nang nagkakaroon ng linaw ang Bangsamoro  Basic Law, ngayon na pinaplantsa na ito sa Bicameral  Conference. Ibig sabihin sa sandaling maipasa ito ng Bicam, iraratipika na ito ng dalawang kapulungan ng Kongreso, at puwedeng-puwede nang pirmahan ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte bilang ganap na batas. Ang BBL ay pinaniniwalaang siyang tutuldok sa mga gulo o magbibigay ng kapayapaan sa …

Read More »

Chi sa meditasyon at paghinga

MINSAN habang ikaw ay ganap na naka-relax at hindi nag-iisip nang kung ano pa man, saka ka naman nakapag-iisip nang magagandang mga ideya. Ang prinsipyo rito ay sa mga sandaling ito ika’y higit na nakatatanggap ng chi mula sa labas, at sa pama­magi­tan nito iyong natatamo ang uri ng inspirasyong hindi mo batid na iyo palang maku­kuha. Ito ay tung­kol …

Read More »