Thursday , June 1 2023

Oust Duterte plot itutuloy sa Disyembre

BAGAMA’T hindi natu­loy ang plano ng rebel­deng komunista na patal­sikin ang gobyerno nga­yong buwan, patuloy pa rin ang planong desta­bilisasyon na maaaring ipatupad sa Disyembre, ayon sa military nitong Lunes.

Nauna rito, sinabi ng defense officials, nakiki­pagsabwatan ang mga komunista sa mga kritiko ni Pangulong Rodrigo Duterte upang mapa­talsik ang punong ehe­kutibo sa pagkilos na ti­naguriang “Red Octo­ber.”

Napigilan ng mga awtoridad ang plano sa pamamagitan ng pagbu­bunyag nito sa media at binalaan ang oposisyon sa posibleng paglahok, ayon kay military spokesperson Brig. Gen. Edgardo Arevalo.

Gayonman, ipagpa­patuloy ng Communist Party of the Philippines (CPP), ang kanilang planong destabilisasyon bilang paggunita sa kanilang founding an­niver­saryo sa Disyembre.

“Ang tinatawag po natin d’yan ay rolling plan. Gusto nilang ma­ging grandioso ang pagdi­riwang ng kanilang ika-50 anibersaryo ngayong Disyembre,” ayon kay Arevalo.

“Sumablay man po ang kanilang tinatawag na Red October plan, hindi po ibig sabihin nito ay puwede na tayong mag-relax, put our guard down,” dagdag niya.

Aniya, ang military ay pananatilihin ang intelli­gence at combat operation laban sa mga rebeldeng komunista.

Makikipag-ugnayan din ang mga awtoridad sa mga unibersidad u­pang tiyakin na hindi magamit ng mga rebelde bilang recruitment grounds para sa mga es­tu­dyante, ayon kay Arevalo.

Magugunitang itinanggi ng CPP ang Red October plot, na inihalintulad sa Maoist rebellion noong 1972, na ginamit ni dating Pangulong Ferdinand Marcos na basehan sa pagdedeklara ng martial rule.

About hataw tabloid

Check Also

teacher

Sentimyento ng mga guro pakinggan
MOTHER TONGUE POLICY NG DEPED REPASUHIN– SENADOR

HINIMOK  ni Senador Win Gatchalian ang Department of Education (DepEd) na pakinggan ang mga guro sa …

Estate Tax

Pagpapalawig sa amnestiya sa pagbabayad ng estate tax pasado na sa senado

PINASA na ng senado sa third at final reading ang panukalang batas na pagpapalawig sa …

Perjury

Testimonya, binawi ng saksi
MAS MABIGAT NA PARUSA SA PERJURY NAPAPANAHON NA — SENADOR

NANAWAGAN si Senador Alan Peter “Compañero” S. Cayetano nang mas mabigat na parusa laban sa perjury, …

Money Bagman

Maharlika Investment Fund   MIF SENATE VERSION ‘DI SUPORTADO NI SUPER ATE, 2 PA

HINDI suportado ng isang daang porsyento nina  Super Ate ng Pangulo na si Senadora Imee Marcos, …

Bato dela Rosa AFAD

Dela Rosa nanawagan para sa responsableng pagmamay-ari ng baril

ANG paglago at pag-unlad ng industriya ng paggawa ng  baril ay nakasalalay sa paglaki ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *