Saturday , June 10 2023

9 sakada minasaker sa Negros

SAGAY, Negros Occidental – Siyam miyembro ng left-leaning National Federation of Sugar Workers ang pinagbabaril ng armadong kalala­kihan nitong Sabado ng gabi.

Ang mga biktima ay iniulat na inokupahan ang pribadong lupa sa Hacienda Nene sa Brgy. Bulanon.

Napag-alaman, sila ay kumakain sa loob ng tents nang sila ay pagba­barilin ng lima hanggang anim na armadong kala­lakihan, ayon kay Sagay police chief, C/Insp. Roberto Mansueto.

Limang minutong narinig ang mga putok sa lugar. Siyam katao ang namatay sa tama ng bala. Kabilang sa mga biktima ang dalawang menor de edad at tatlong kababa­ihan, ayon kay Mansueto.

Iniimbestigahan ng mga awtoridad ang away sa lupa bilang posibleng motibo sa pag-atake.

Bago ang insidente, nakatanggap ang mga biktima ng ‘notice of coverage’ mula sa Depart­ment of Agrarian Reform para sa ‘redistribution’ ng bahagi ng Hacienda Nene.

Gayonman, hindi pa sila nadedeklara bilang opisyal na mga may-ari ng nasabing lupain.

Samantala, tiniyak ng may-ari ng hacienda na makikipagtulungan sa imbestigasyon ng pulisya hinggil sa insidente.

Kaugnay nito, nag-alok si Sagay Mayor Alfredo Marañon III ng P250,000 pabuya para sa makapagbibigay ng im­por­masyon na magre­resulta sa pagkakadakip sa mga suspek.

Wala pang pahayag ang NFSW hinggil sa insidente.

HATAW News Team

About hataw tabloid

Check Also

BGC Makati Taguig

SC kinontra si Makati Mayor Abby Binay

ITINANGGI ni Supreme Court Spokesman Atty. Brian Keith Hosaka na may ipinalabas na kautusan ang …

More Power

Kasabay ng refund sa bill deposits ng customers
SINGIL SA KORYENTE NG MORE POWER MAS BUMABA
Mula Enero hanggang Hunyo,

SA LOOB ng magkakasunod na anim na buwan ngayong taon, bumaba ang singil sa koryente …

MORE Power iloilo

MORE Power na kusang nagbalik ng bill deposit refund sa customers dapat tularan – Rep. Baronda

PINURI ni Iloilo representative Jam Baronda ang naging inisyatibo ng More Electric and Power Corporation …

deped Digital education online learning

Digital transformation sa sektor ng edukasyon patuloy na isinusulong

SA GITNA ng pagdiriwang ng National Information and Communications Technology (ICT) Month, patuloy na isinusulong ni …

OFW

 ‘Unified e-gov approach’ kailangan para sa mga OFW

IDINIIN  ni Senador Alan Peter Cayetano nitong Migrant Workers’ Day ang pangangailangan ng unified at magkakaugnay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *