Thursday , December 18 2025

hataw tabloid

Bawal pumarada sa harap ng bahay mo sa Brgy. Langkaan, Dasmariñas, Cavite

SIR sobra OA naman dto sa Barangay Langkaan, Dasmariñas, Cavite sa loob ng subdivision. Parada sa harap ng bahay mo sasakyan ipinagbabawal? Saan namin ilalagay sasakyan namin?! Aksiyonan sana ni Mayora Barzaga. +63916633 – – – –  Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please …

Read More »

Hinaing ng MIAA employee

KA JERRY, pakibulabog ang GSIS. ‘Yun aming UMID card karamihan wala pa rin. Sabi ng GSIS, Union bank daw ang responsable doon, ‘yung iba magreretiro na lang wala pa rin UMID card. Pati PBB namin nakatengga pa rin sa GM’s office. Ang OT pay laging delay. Legal holiday na nga lang binabayaran hndi pa maibigay ni GM. – Concerned airport …

Read More »

Tindahan ng smuggled gadgets sa Binondo nilusob 15 Tsekwa dinakma

SINALAKAY ng Bureau of Customs-Intelligence Group (BoC-IG) ang ilang establisimiyento sa Binondo, Maynila na nag­ti­tinda ng pinanini­wala­ang puslit na electronic products. Bitbit ang Letter of Authority (LOA) No. 07-31-152-2019, sinalakay ng pinagsanib na puwer­sa ng BoC Customs Intelligence and Inves­tigation Service (CIIS), Intellectual Property Rights Division (IPRD), Armed Forces of the Philippines Joint Task Force (AFPJTF) – National Capital Region (NCR) …

Read More »

Macadaeg buking ni Digong… Ex-UCPB president sabit sa anomalya

NABALING ang aten­siyon ng ilang kritiko at mambabatas kaugnay sa inihaing reklamo ni human rights lawyer Rico Domingo laban sa kabibitiw na presidente ng United Coconut Planters Bank (UCPB) na si Higinio Macadaeg Jr. Nagsampa kama­kailan ng kasong graft and misconduct ang RC Brickwoods Corp., (RC) sa Office of the Om­buds­man laban kay Macadaeg at ilang opi­syal ng UCPB na …

Read More »

Masungit na public servant bawal — Isko Magbitiw sa puwesto

isko moreno smile

PINAGBIBITIW ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Doma­goso ang public health workers na nagsusungit sa mga pasyente matapos makatanggap ng ilang reklamo. Sa report niya sa “The Capital Report” nitong 2 Agosto, sinabi ni Moreno, marami na siyang nata­tanggap na reklamo laban sa frontliners sa health centers. “Kung hindi na kayo masaya sa trabaho n’yo dahil kayo’y masungit na kinakaharap …

Read More »

Kaso ng dengue sa bansa higit 130,000 na — DOH

UMABOT sa mahigit 130,000 kaso ng dengue sa bansa hanggang sa kalagitnaan ng Hulyo ayon sa Department of Health (DOH). Sa panayam ng media kay Health Under­secretary Eric Domingo araw ng Miyerkoles, sinabi nitong patuloy na duma­rami ang kaso ng dengue sa bansa sa kabila ng activation ng regional health clusters ng NDRRMC. Ang higit 130,000 kaso ng sakit mula …

Read More »

Beautéderm, nangungunang beauty and wellness ngayon

HABANG papalapit ng papalalapit ang countdown ng 10th anniversary celebration ng Beautéderm Corporation, patuloy ang kompanya sa pag-break ng new grounds sa pormal na pagpapakilala sa unang batch ng mga batang celebrity ambassadors nito sa ilalim ng Star Magic ng ABS-CBN, na kinabibilangan Carlo Aquino, Matt Evans, Ejay Falcon, Alex Castro, Hashtag Ryle Santiago, Jane Oineza, Kitkat, at Ria Atayde. Itinatag ang Beautéderm ni Rhea Anicoche-Tan noong 2009 …

Read More »

Dalawang panty ipinasok sa brief piyon bugbog sarado, patay

dead

BINUGBOG hanggang ba­wian ng buhay ang isang construction worker nang akusahang nagnakaw ng dalawang panty sa lungsod ng Tagbilaran, lalawigan ng Bohol, niong Martes ng gabi. Kinilala ni P/Cpl. Joseph Elic ng Tagbilaran City Police Station ang napatay na piyon na si Jessie Chan Romo­rosa, 39 anyos, at residente sa Barangay Tupas sa bayan ng Ante­quera. Ayon kay Elic, inimbita­han …

Read More »

Kampanya vs obstruction pinaigting sa Taguig: Lungsod na nadaraanan #safecity, #healthycity

NAGLUNSAD ang lokal na pamahalaan ng Taguig nang mas pinaigting na clearing operations upang maalis ang mga nakaharang sa kalye gaya ng iligal na mga istruktura, ilegal na pagtitinda at ilegal na nakaparadang mga sasakyan. Pinangunahan ng grupong binubuo ng Traffic Management Office, Public Order and Safety Office, Market Management Office, Business Permits and Licensing Office, General Services Office, Solid …

Read More »

Zephanie, kauna-unahang Idol Philippines Grand Winner

HINIRANG bilang kauna-unahang Idol Philippines si Zephanie Dimaranan matapos pahangain ang judges at publiko gamit ang kanyang tinig sa dalawang araw na grand finals na kompetisyon noong Sabado at Linggo (Hulyo 27 at 28). Nakakuha si Zephanie ng 100% mula sa pinagsamang scores ng judges at text votes para higitan ang mga katapat niyang sina Lucas Garcia (70.2%) at Lance …

Read More »

Sa Maynila… Lisensiya, permit ng PCSO gaming outlets ipinababawi ni Mayor Isko

IPINAG-UTOS na ni Manila Mayor Isko Moreno ang pagpapahinto ng mga business license at mayor’s permit ng lahat ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) gaming outlets sa lungsod. Bilang pagtalima sa naging direktiba ni Pa­ngu­long Rodrigo Duterte, inatasan ni Moreno ang officer-in-charge ng Manila Business License office na i-withdraw ang mga lisensya at permits na inisyu sa lahat ng PCSO …

Read More »

Cong. Datol, nagpasalamat kay Digong sa paglagda sa National Senior Citizen Commission (NSCC)

LABIS ang pagpapa­salamat ni Congressman Francisco Datol, Jr., kinatawan ng Senior Citizen Party-list at pangunahing may akda ng Republic Act No. 11350 o National Senior Citizen Commission (NSCC) makaraang lagdaan ito ni Pangu­long Rodrigo Duterte upang maging ganap na batas. Ang pagkakatatag ng NSCC ay buong-pusong ipinaglaban at isinulong ni Datol sa Kongreso upang mabig­yan ng sariling tahanan na kakalinga …

Read More »

Sa Negros Oriental… Abogadong may death threats tinambangan, patay sa ospital

dead gun police

CEBU CITY — Isang abogado ang pinaslang, habang ang kanyang misis ay sugatan nang sila ay tambangan ng dalawang lalaking sakay ng motor­siklo sa Sitio Looc, Bara­ngay Poblacion, Guihu­l­ngan City, Negros Orien­tal, pasado 2:00 pm, kahapon, 23 Hulyo. Sa ulat sinabing mi­na­maneho ng abogadong si Anthony Trinidad, 53, ang kanyang puting sports utility vehicle (SUV ) na Subaro, nang biglang …

Read More »

Ika-100 taon ng pelikulang Pilipino, ipinagdiriwang din sa pinakamalalaking Int’l. Film Festival sa Mexico

PATULOY ang pakikiisa ng mundo sa pagdiriwang ng Pilipinas sa ika-Isang Daang Taon ng Pelikulang Pilipino, lalo na ngayong inanunsiyo ang Pilipinas bilang Spotlight Country ngayong taon sa ika-22 Guanajuato International Film Festival (GIFF). Tumakbo ang festival simula Hulyo 19 hanggang 28, 2019 sa World Heritage sites na Guanajuato at San Miguel de Allende sa Mexico. Sa pamumuno ng Philippine Embassy sa Mexico na …

Read More »

Tiwala ng Pinoys kay VP Leni lalong lumalakas

LALO pang dumarami ang mga Filipino na nag­ti­tiwala kay Vice Presi­dent Leni Robredo, na nagpapatuloy sa kani­yang trabaho kahit kapos sa pondo at kaliwa’t kanan ang hinaha­rap na pagsubok sa kaniyang man­dato. Ayon sa pinaka­ba­gong survey na inilabas ng Pulse Asia, bilib pa rin ang mayorya sa trabahong gi­na­gawa ng Bise Presi­dente, na nakakuha ng 55% approval rating sa ikalawang …

Read More »

Dr. Vicki Belo, fairy godmother ni Bianca Valerio

ANG bongga naman ng istorya ni Bianca Valerio, social media elite personality, events host, motivational speaker at dating modelo bago niya sinubukan at naging face ng Belo 360° Liposuction. Tila kinalimutan kasi ni Bianca ang sarili nang biglang pumanaw ang nag-iisa niyang kapatid na lalaki niya noong 2017. Dahil sa pagkalungkot, ibinaling niya ang sakit na nararamdaman sa pagkain. Dahil …

Read More »

It’s game over… Kazuo Okada durog

GAME OVER na para kay Japanese pachinko king Kazuo Okada matapos ang magkahiwalay at sunod-sunod na desisyon ng mga korte sa Japan at Filipinas laban sa kanya. Sa 12-pahinang desi­syon noong 10 Hulyo, ibinasura ng Tokyo High Court ang apela upang ipawalang bisa ang district court decision na nagpatibay sa ‘trust agree­ment’ na ginawa ng babaeng anak na si Hiromi …

Read More »

Depensa ng Meralco kontra-kompetensiya — Bayan Muna

electricity meralco

HINIKAYAT nina Bayan Muna chairman Neri Colmenares at Rep. Carlos Isagani Zarate ang mga opisyal ng Manila Electric Company (Meralco) na muling basahin ang resulta ng imbestigasyon na nau­nang isinagawa bilang ‘offshoot’  sa tangkang pag-korner ng Meralco  sa ‘subsidiaries’ at affiliates power supply agreements (PSAs) na ang mga tuntunin ay pabigat para sa mga konsyumer. Ang mungkahi ni Rep. Zarate …

Read More »

Isko nanawagan sa NCCA: Obra ni Botong ibalik sa Maynila

SUPORTADO ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ang naging pahayag ni Buhay Party-list Rep. at dating mayor Lito Atienza na bawiin at imbestigahan ang pagkawala ng tinaguriang kayamanan ng lungsod   — ang mural na ipininta ng National Artist na si Botong Fran­ciso. Ayon kay Moreno, dapat isauli ng National Commission for Certi­fying Agencies (NCCA) ang naturang mural na isang …

Read More »

Isko nag-ikot sa Maynila sa banta ni Falcon

NAG-IKOT nitong Martes ng gabi sa ilang parte ng Maynila si Mayor Isko Moreno dahil sa banta ng bagyong Falcon. Maagang nag-anunsiyo ang alkalde sa social media ng pagkakansela ng klase sa preschool at elementarya sa mga pribado at pampublikong paaralan sa lungsod. “Medyo malakas ang hangin sa labas at may pag-ulan… pero so far, so good,” aniya. At muli …

Read More »

8 Chinese nationals, Pinoy huli sa kidnapping

ARESTADO ang walong Chinese nationals at isang Filipino dahil sa pagdukot ng mga kababayang Tsino sa casino sa Parañaque City. Kinilala ang Pinoy na si Jomar Demadante, at Chinese nationals na sina Ben Tan, Haitao Wang, Dechun Qin, Yong Fei Chan, Xiao Qiang Yang, Dong Zheng Wen, Beijun Lin, at Jun Wang. Ayon sa National Bureau of Investigation (NBI), nakatanggap …

Read More »

2 lalaki sa watchlist bulagta sa Maynila

gun dead

PATAY ang dalawang lalaking nasa watchlist matapos barilin ng hindi kilalang suspek habang nakatambay sa Sampaloc, Maynila kahapon ng madaling araw. Kinilala ang mga biktima na sina Reynaldo Caguioa, 53, construction worker ng 908 Boulevard, Sampaloc, Maynila; at Juanito Baful, 49, tricycle driver. Inaalam ng awtoridad ang pagkakakilanlan ng suspek, lulan ng itim na SUV (hindi naplakahan), na mabilis tumakas …

Read More »

Kriminal walang lugar sa Maynila — Isko

NAARESTO ang tatlong most wanted personalities sa Maynila ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD). Kinilala ang mga suspek na sina Irwin Pelina, no. 8 most wanted ng MPD sa kasong robbery with unnecessary violence; Bob Anel Navarro, no. 4 most wanted person ng Moriones Police Station sa kasong rape; at Jason Fullantes, no. 1 most wanted ng Ermita …

Read More »