Monday , May 20 2024

Kiel Alo, balik-Music Box para sa Back Home Concert

MAGBABALIK ang tinaguriang Hugot King na si Kiel Alo sa Music Box matapos ang unang pagtatanghal niya rito via his first solo concert  It’s My Turn. At sa Miyerkoles, December 18, 9:00 p.m. muli siyang babalik sa Music Box para sa kanyang Back Home concert.

“It’s nice to look forward to coming home. Mas marami kaming inihanda ng musical director naming si Tito Butch Miraflor sa show. Kasama ko ang mga kapatid ko sa music industry na sina Carlo Mendoza, LA Santos and Kyle Matthew Manalo and for the first time ay maggi-guest ang little sister naming si Kanishia Santos, younger sister actually ni LA. This will be her first public appearance. Siyempre, nandiyan pa rin ang ibang guests namin like The Voice of Asia nating si Dessa, ang mahusay na impersonator nating si Dulce a.k.a. Tina Turner at PGT’s Hugot Diva Orville.

“This is something very intimate—our Christmas gift for you all. Sarap mag-perform sa ganito ka-cozy na venue—malamig and malinis ang Music Box. At saka, mas madaling puntahan.

“Anyway, this is also our way of thanking our loyal patrons for the many years of supporting us sa lahat ng show namin. Advance Merry Christmas to one and all,” ani Kiel na katatapos lamang ng kontrobersiyal at matagumpay na concert sa Music Museum noong November 6.

Ani Jobert Sucaldito, producer at direktor ng Back Home, pinasasalamat nila ang mga presenter at major sponsors para maging matagumpay ang event na ito, sila’y ang Aficionado, Sen. Manny Pacquiao, Sen. Bong Revilla, Karaoke Republic, Ms. Chaye Cabal-Revilla, Mr. Art Atayde, Mr. Atong Ang, Mr. Manny Garcia, Quadro, Ms. Jen Legaspi, Mr & Mrs. Nixon, at Adela Teng at marami pang iba.

Ang Back Home ay handog ng Front Desk Entertainment Production. Mabibili ang tiket sa gate.

 

About hataw tabloid

Check Also

Vice Ganda Piliin Mo Ang Pilipinas

Vice Ganda ipinakita ‘problema’ sa ‘Pinas sa Piliiin Mo Ang Pilipinas challenge

MA at PAni Rommel Placente NAG-POST at nakisabay na rin ang Unkabogable Star na si Vice …

Coleen Garcia Billy Crawford

Coleen sa mga humuhusga sa kapayatan ni Billy—He’s more than okay, wala na siyang mga bisyo

MA at PAni Rommel Placente MARAMING lumalabas na haka-haka nang mag-viral ang picture ni Billy Crawford sa …

Miss Lipa Tourism 2024

Ganda ng Lipa ibibida sa buong mundo

MATABILni John Fontanilla LABINLIMANG naggagandahan at lovely candidates mula sa iba’t ibang lugar sa Lipa …

Kira Balinger Kelvin Miranda

Kira  inamin feelings kay Kelvin: may kaunti, ang pogi kasi niya

MATABILni John Fontanilla KAHIT walling nabuong relasyon kina Kira Baringer at Kelvin Miranda, lead actors ng pelikulang, Chances Are, …

Lolit Solis

Bonggang birthday celeb ni Manay Lolit pinaghahandaan ng mga alaga

I-FLEXni Jun Nardo BONGGANG birthday celebration next week ang pinaghahandaan ng talents ni Manay Lolit Solis. …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *