Sunday , December 21 2025

hataw tabloid

Sked ng laro inilabas ng NBA

NEW YORK—Isina­publi­ko  na ng NBA ang komple­tong game schedule at national television schedules para sa TNT, ESPN, ABC at NBA TV para sa ‘seeding games’ na magsisimula sa July 30 –Aug. 14  sa pagpapatuloy ng 2010-20 season. Ang 22 teams na lalahok sa season ay magsisimula ng laro ng walong seeding games kada isa sa ESPN Wide World of Sports …

Read More »

Tyson ikinumpara kay Pacquiao

BALAK  bumalik sa ring ni Iron Mike Tyson at nagpakita ito ng bagsik sa ensayo na hinangaan ng makasaysayang trainer na si Teddy Atlas. “Mike Tyson was speed and power – the heavyweight Manny Pacquiao,” pahayag ni Atlas. Ang unang pagsalang sa  training ni Tyson ay napanood ni Atlas at nagustuhan niya ang istilo ng dating undisputed heavyweight champion at …

Read More »

Bilis, lakas napanatili ni Pacquiao

INILABAS   ni eight-division champion Manny Pacquiao ang kanyang bilis at lakas sa paunang ensayo  kahit mahigit 40 anyos na ito. Nag-post ng video si fighting senator sa kanyang twitter account ng ensayo nito, nakita doon ang walang humpay na training kahit na may COVID-19 pa sa bansa. Bilis ng kamay at lakas ng suntok ang nasilayan sa video kung saan …

Read More »

‘Di awtorisadong pista sa gitna ng lockdown nakalusot sa Cebu

NAGLUNSAD ng imbestigasyon ang pulisya upang matukoy kung sino ang nagbigay ng permiso sa ginanap na pista sa Sitio Alumnos, Barangay Basak San Nicolas, sa lungsod ng Cebu, noong Sabado, 27 Hunyo sa gitna ng umiiral na mahigpit na lockdown upang maiwasan ang pagkalat ng coronavirus disease (COVID-19). Ayon kay P/BGen. Albert Ignatius Ferro, direktor ng Police Regional Office in …

Read More »

7 close contacts ng LSIs sa Naga nagpositibo sa Covid-19

Covid-19 positive

POSITIBO sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) nitong Linggo, 28 Hunyo, ang pitong residente ng lungsod ng Naga, lalawigan ng  Camarines Sur, na nag­karoon ng close contact sa locally stranded individuals (LSIs) mula sa bayan ng Naic, sa lalawigan ng Cavite. Dagdag ito sa dala­wang naunang close contact na nagpositibo sa SARS-CoV-2, virus na sanhi ng COVID-19, noong Sabado, 27 Hunyo. …

Read More »

Ex-NPC president, 3 pa absuwelto sa 2 kasong Libel

ABSUWELTO ang dating Pangulo ng National Press Club of the Philippines (NPC) sa dalawang bilang ng kasong Libel na inihain ng isang police officer noong 2015. Kasamang inabsuwelto ni Jerry Yap, kolumnista at publisher ng HATAW D’yaryo ng Bayan; sina Gloria Galuno, managing editor; at Edwin Alcala, circulation manager. Sa ikalawang kaso ng Libel, kapwa absuwelto rin sina Yap at …

Read More »

Sa Palawan… 2 menor de edad ikinandado sa loob ng quarantine facility

IKINANDADO sa loob ng isang quarantine facility ang dalawang menor de edad na nabatid na kababalik pa lamang sa sa bayan ng Roxas, sa hilagang bahagi ng lalawigan ng Palawan. Ayon kay Barangay Tinitian chairman Andrew Goldfarb, noong Miyerkoles, 24 Hunyo, ikinadena nila ang pasilidad upang matiyak ang kaligtasan at walang masamang mangyari tuwing gabi sa dalawang batang nasa loob …

Read More »

Tindero sa Angeles namatay sa COVID-19 shutdown ng public market iniutos ng alkalde

COVID-19 lockdown

IPINAG-UTOS ni Angeles City Mayor Carmelo Lazatin ang pansamantalang pagsasara ng Pampang public market, sa lungsod ng Angeles, isa sa pinakamalalaking pampublikong pamilihan sa lalawigan ng Pampanga, simula kahapon, Miyerkoles, 24 Hunyo, matapos pumanaw noong Martes ang isang tindero dito dahil sa coronavirus disease (COVID-19). Binawian ng buhay ang isang 21-anyos tindero, residente sa Barangay Pampang, na nabatid na mayroong …

Read More »

Bagong vending stalls itinayo sa Ilaya, Divisoria  

NAGTAYO ang pamahalaang lungsod ng Maynila ng bagong stalls sa Ilaya Street sa Divisoria. Ang mga bagong vending stalls, kulay asul at may sariling linya ng koryente. Ayon kay Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagos, ang mga dating vendor sa Ilaya ang prayoridad at minimal lamang ang babayaran. Itinayo ito sa magkabilang bahagi ng kalsada kaya isang lane na lamang ang …

Read More »

Tourist spots paiilawan nang sabay-sabay (Ngayong Araw ng Maynila)

SABAY-SABAY ang gagawing pagpapailaw sa magagandang tanawin, pasyalan, tourist spots, at mga gusali sa kabisera ng bansa sa isasagawang pagdiriwang  ngayong araw ng ika-449 Araw ng Maynila.   Ayon kina Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso at sa kanyang Chief of Staff Cesar Chavez, magsisimula ang pailaw dakong 6:30 pm.   Ayon kay Charlie Dungo, Director ng Department of Tourism, Culture …

Read More »

7-anyos Pinay sa Kuwait patay sa inorder na fried chicken  

ISANG pitong taong gulang na batang babae ang namatay sa Kuwait dahil sa pagkain ng fried chicken ng isang fast food chain na inorder sa online delivery, iniulat kahapon. Ang batang si Zara Louise Lano ay namatay noong 21 Marso, isang araw matapos kumain ng fried chicken na inorder sa isang fast food chain sa online delivery. “Habang kumakain kami, …

Read More »

Jams Artist Production, handang-handa sa New Normal

THE world has changed. Lahat ng bagay mayroong new rules and new guidelines dahil kailangan nating mag-adjust sa New Normal. Kahit mahirap ito lalo na sa mga taga-entertainment, wala tayong choice kundi sumunod at mag-adapt. Aware rito ang JAMS Artist Production, ang sikat na casting agency na pinamumunuan nina Jojo Flores (na dating taga-Star Circle Quest) at Maricar Moina. Ayon kina Jojo at Maricar, handa …

Read More »

Ai Ai, iniwan na si Boy Abunda

SO, wala na sa pangangalaga ni Boy Abunda si Aiai delas Alas. Ito ay nang ipahayag noong June 19, 2020 ng GMA Artist Center na bago nilang alaga ang aktres. Sabagay, matagal na ring nasa GMA si Aiai simula nang lumipat siya ng network at maganda rin ang naging move niya sa problemang kinakaharap ng ABS-cBN ngayon, ang prankisa nila. Naniniwala naman ako na maaayos din ‘yan. …

Read More »

Michael V., Heart, at Dingdong, may pasabog

SA gitna ng pandemic dahil sa Covid-19, obligadong manahimik sa kanilang pamamahay ang mga artista natin sa ayaw at sa gusto nila to protect themselves and their families. Pero hindi sila tumunganga at naghintay na lang ng kaganapan. Hindi sila nawalan ng mga idea para maging busy at makapaghatid ng kasiyahan sa mga follower nila. Kaya hindi nahirapan ang GMA Network na …

Read More »

Babala ng DOH: Dexamethasone online selling mapanganib

NABABAHALA ang Department of Health (DOH) sa mga natang­gap nilang ulat na may mga nagbebenta ng steroid drug na dexamethasone sa social media platforms bilang gamot umano para sa coronavirus disease 2019 (COVID-19). Sa isang virtual press briefing, muling inilinaw ni DOH spokes­person Undersecretary Maria Rosario Vergeire na hindi lunas sa COVID-19 ang dexamethasone at ibinabala ang paggamit sa naturang …

Read More »

2 pasaway na rider nagbanggaan 6 sugatan

HINDI lamang sugat sa katawan ang pinsala ng anim katao sa banggaan ng dalawang pasaway na rider sa Binondo, Maynila kamakalawa ng madaling araw, kundi sasampahan din sila ng kasong paglabag sa ipinag-uutos na social distancing alinsunod sa Bayanihan Heal As One Act. Ang dalawang rider na nagbanggaan, kapwa may angkas, hindi lang isa kundi dalawa ay kinilalang sina Marc …

Read More »

Diskarte ng DOE sa ‘technology-neutral’ pag-isipan mabuti — CEED

NANAWAGAN ang Sustainable energy think-tank  Center for Energy, Ecology, and Develop­ment (CEED) sa  Department of Energy (DOE) na muling pag-aralan o pag-isipan mabuti ang diskarte sa ‘technology-neutral’ bago magpatupad ng  polisiya sa Renewable Energy (RE). Ito ay makaraang mag-anunsiyo ang National Renew­able Energy Board na nagha­hanap sila ng susuri o magre­rebyu sa National Renewable Energy Program (NREP) matapos magbahagi ang …

Read More »

4 Bombero sugatan sa salpok ng truck  

road accident

SUGATAN ang apat na fire volunteer mula sa Caloocan City nang banggain ng trailer truck ang sinasakyan nilang fire truck sa Ermita, Maynila kahapon ng madaling araw.   Binabaybay ng fire truck ng Execom Fire & Rescue ang United Nations (UN) Avenue patungong Taft Avenue nang salpukin ng 14-wheeler truck sa intersection ng San Marcelino St., 12:30 am.   Tumagilid …

Read More »

MeTC branches sa Manila city hall isinailalim sa lockdown

ISASAILALIM sa lockdown ang lahat ng Metropolitan Trial Court (MeTC) branches na matatagpuan sa Manila City Hall at Old Ombudsman Building gayondin ang Office of the Clerk of Court.   Alinsunod ito sa awtoridad na ibinigay ng Office of the Court Administrator, Supreme Court at sa kautusan  na natanggap mula kay Assistant Court Administrator Maria Regina Adoracion Filomena M. Ignacio …

Read More »

McDo naglunsad ng M Safe video (Para sa kalidad, kaligtasan, at kalinisan sa ‘new normal’)

PATULOY na umiiral sa bansa ang mahigpit na quarantine protocols at kasalukuyang umaangkop ang lahat sa tinatawag na ‘new normal’ kaya tinitiyak ng McDonald’s Philippines ang kaligtasan ng kanilang mga kustomer habang pinangangalagaan ang kalugusuan ng kanilang mga empleyado. Sa inilabas nilang M Safe video, ipinakita ng McDonald’s kung paano nila ginagawa ang dagdag na pag-iingat para sa kanilang mga …

Read More »

Panawagan sa kalahok: Libreng seminar ng KWF para sa mga editor ng teksbuk sa mga probinsiya

NANANAWAGAN ang Komisyon sa Wikang Filipino sa mga editor ng mga teksbuk sa mga probinsiya na maging kalahok sa ikalawang libreng online seminar sa Ortograpiyang Pambansa (OP) at KWF Manwal sa Masinop na Pagsulat (MMP). Layon ng seminar na mapaglingkuran ang mga editor upang mas mahasa pa ang kanilang kasanayang pangwika kaugnay ang mga kasalukuyang tuntunin ng Ortograpiyang Pambansa. Naglalaman …

Read More »

Pangamba vs third telco itinaas pa (Papel ng ChinaTel banta rin sa privacy ng internet subscribers — solon)

 LOMOBO pa ang pangamba na magdudulot ng panganib, hindi lang sa seguridad ng Filipinas, ang partisipasyon ng China Telecom sa tinawag na Third Telco na ang prankisa ay naipagkaloob na ng Kongreso sa Dito Telecommunity consortium. Sa Kamara ay nadagdagan ang boses ng pagsalungat sa papel ng China Telecom nang sabihin ni Deputy Minority Leader Isagani Zarate na may mga …

Read More »

5G walang masamang epekto sa kalusugan — Experts

HABANG gumagamit ang mundo ng teknolohiya upang harapin ang ‘new normal,’  matindi rin ang pagsisikap na siraan ito at maghasik ng takot sa mga tao. Ang mga sumusulpot na teknolohiyang ito ay laging paboritong paksa ng mga malisyoso at walang batayang pahayag. Kamakailan, ang 5G ay naging paksa ng naturang mga pahayag sa iba’t ibang bahagi ng mundo, kabilang ang …

Read More »