Thursday , June 1 2023

300 KMs kable ng ilegal na koryente buking ng DU (Sa Oplan Valeria anti-jumper raid)

SA LOOB ng isang buwang tuloy-tuloy na operasyon laban sa illegal electric connection sa Iloilo City, umabot sa 300 kilometers na illegal wiring o jumper cables ang nadiskubre ng bagong Distribution Utility (DU) na More Electric and Power Corp (More Power).

Ayon sa More Power, kung ilalatag ang kanilang nakompiskang illegal wiring ay nasa 300 kilometers na ito at kung titimbangin ay aabot ng 10 tonelada.

Sa datos ng More Power, nasa 156 barangays sa kabuuang 180 barangays ang kanilang nagalugad sa isinasagawang Operation Valeria anti-jumper raid, sa loob ng isang buwan at may 5,000 illegal connections na nakakabit sa secondary line ang kanilang natanggal.

Upang masiguro na hindi na muling makapagkakabit ng jumper sa mga lugar na mataas ang rate ng illegal connections ay nagtalaga ang More Power ng may 500 guwardiya sa iba’t ibang lugar para regular na magbantay.

“We’ve already placed almost 500 guards in areas where power pilferage has been observed to be prevalent,” ayon sa More Power.

Samantala nasa 17 katao na ang sinampahan ng kaso matapos mahuli sa aktong nagkakabit ng jumper cables. Sila ay nahaharap sa mabigat na kaso bukod pa sa itinakda ng korte na P130,000 piyansa.

Sa ngayon ay nagpapatuloy ang ginagawang Oplan Valeria anti-jumper raid ng More Power sa 24 natitirang barangay.

Tiniyak ng More Power na wawakasan ng bagong DU ang illegal power connections sa Iloilo City.

Ayon sa isinagawang pag-aaral, ang halos 30,000 talamak na paggamit ng jumper ang dahilan kung bakit mataas ang insidente ng sunog sa power lines at kung bakit mataas din ang system loss.

Ang nakompiskang jumper cables ay nakatakdang gamitin ng More Power bilang ebidensiya laban sa dating distribution utility na Panay Electric Company (PECO).

“All of these wirings are measured and then labelled to be used as evidence in the investigation and eventual case that would be filed against PECO to prove how prevalent power pilferage has been in the city of Iloilo during their incumbency as its power distribution firm,” dagdag ng More Power.

Bilang resulta ng ginawang crackdown sa illegal power connections, tumaas ang bilang ng mga residenteng nag-apply para sa pagpapakabit ng kanilang sariling electric meter.

About hataw tabloid

Check Also

teacher

Sentimyento ng mga guro pakinggan
MOTHER TONGUE POLICY NG DEPED REPASUHIN– SENADOR

HINIMOK  ni Senador Win Gatchalian ang Department of Education (DepEd) na pakinggan ang mga guro sa …

Estate Tax

Pagpapalawig sa amnestiya sa pagbabayad ng estate tax pasado na sa senado

PINASA na ng senado sa third at final reading ang panukalang batas na pagpapalawig sa …

Perjury

Testimonya, binawi ng saksi
MAS MABIGAT NA PARUSA SA PERJURY NAPAPANAHON NA — SENADOR

NANAWAGAN si Senador Alan Peter “Compañero” S. Cayetano nang mas mabigat na parusa laban sa perjury, …

Money Bagman

Maharlika Investment Fund   MIF SENATE VERSION ‘DI SUPORTADO NI SUPER ATE, 2 PA

HINDI suportado ng isang daang porsyento nina  Super Ate ng Pangulo na si Senadora Imee Marcos, …

Bato dela Rosa AFAD

Dela Rosa nanawagan para sa responsableng pagmamay-ari ng baril

ANG paglago at pag-unlad ng industriya ng paggawa ng  baril ay nakasalalay sa paglaki ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *