Thursday , December 9 2021

2 ‘bogus’ inilaglag ng consumers’ group (Kaalyado ng PECO)

UMALMA kahapon ang tunay na mga kasapi ng Koalisyon Bantay Kuryente, Inc., (KBK) laban sa patuloy na paggamit ng Panay Electric Company (PECO) sa kanilang grupo para sa sariling interes nito upang siraan ang distribution utility na More Electric and Power Corp (More Power).

Kinastigo din ng grupo ang dalawang personalidad na ginagamit ng PECO na sina Jose Allen Aquino at Ruperto Supena na nagpapakilalang convenor ng grupo na ‘bogus’ at kapwa walang koneksiyon sa KBK.

Sina Aquino at Supena ay makailang beses nang humarap sa patawag na virtual conference ng PECO at ipinangangalandakan na lehitimong lider ng consumer group at inaakusahan ang More Power na palpak ang operasyon sa Iloilo City kasama na rito ang pagdoble ng insidente ng brownout at pagtaas ng system loss kaya ipinapanawagan sa Energy Regulatory Commission (ERC) na magpatupad ng refund.

Gayonman ang mga nasabing akusasyon ay pawang base sa maling impormasyon at layon lamang siraan at ‘targetin’ ang More Power.

Ayon sa orihinal na Presidente ng KBK na si Halley Alcarde, kung nais nina Aquino at Supena na siraan ang More Power ay gawin nila ito sa kanilang sariling kapasidad at huwag gamitin ang kanilang libong miyembro.

“Not only are they misrepresenting our organization, they are misleading the public in telling the Manila press that their sentiment is the sentiment of the Iloilo consumers. They have used KBK and its identity without permission. We did not give them that mandate. For the record, these two are not in any way connected with the KBK and cannot speak on behalf of our thousand of members,” paliwanag ni Alcarde.

Para itama ang ginawang pamemeke nina Aquino at Supena sinabi ni Alcarde, magsasagawa ng special meeting ang KBK Board of Trustees para magpalabas ng opisyal na paglilinaw sa ERC na hindi sintimyento ng consumer group ang mga isyung ibinibintang laban sa More Power gayondin ay inihahanda na nila ang posibleng kasong ihaharap laban sa dalawa upang hindi na tuluyan pang magamit ang kanilang grupo.

“Our association being the legitimate representative of the Iloilo City power consumers, cannot and will not ignore these acts of misrepresentations by Aquino and Supena, they owe us and the public an explanation and an apology”dagdag ni Alcarde.

Patukoy sa tunay na kalagayan ng power system sa Iloilo City, sinabi ni Alcarde na mali ang ipinalalabas na mga paninira ng PECO dahil mismong silang consumers ang makapagpapatunay na umayos ang power suppply nang mag-takeover ang More Power at kahit anim na buwan pa lamang na nag-o-operate ay kapansin-pansin ang mga pagbabagong ipinatutupad.

“Although we wish not to take sides on the issue between PECO and More Power. It is our common stand that Iloilo City is far better with More Power, especially as we see day-to-day improvements of the distribution services. There are also downsides, but we are mindful of the fact that the power anomalies and outrages we are experiencing right now are a result of PECO’s severely underdeveloped distribution facilities and neglect” pahayag ni Alcarde.

Ang KBK na rehistrado sa Securities and Exchange Commission(SEC) ay koalisyon ng iba’t ibang organisayon sa Iloilo City kabilang ang Church sector, transport cooperative, teachers and parents association, jeepney and operators association, at ang advocacy group na Bawal ang Korap.

About hataw tabloid

Check Also

DonBelle Donny Pangilinan Belle Mariano

Donbelle hinuhulaang magiging number 1 loveteam sa 2022

MA at PAni Rommel Placente KASAMA ang comedian-director na si John ‘Sweet’ Lapus sa pelikulang Love Is Color …

120821 Hataw Frontpage

Pari gustong ipalit ni Duterte kay Duque

ni Rose Novenario INALOK ni Pangulong Rodrigo Duterte si Dominican priest at molecular biologist Fr. …

Las Piñas Enhanced Kadiwa Inclusive Food Supply Chain Program

Para sa food security
LAS PIÑAS CITY PUMIRMA NG MOA SA DA

NILAGDAAN ng Las Piñas city government at ng Department of Agriculture (DA) ang isang memorandum …

Rida Robes

Pagbabakuna sa mga batang edad 5-11 anyos unahin bago face-to-face classes – Robes

UMAPELA si San Jose Del Monte City Rep. Florida “Rida” P. Robes sa Inter-Agency Task …

Comelec

Ex-CJ sa Comelec
DQS VS BBM RESOLBAHIN

HINIMOK ni retired chief justice Artemio Panganiban ang Commission on Elections (COMELEC) 2nd Division na …

Leave a Reply