Friday , January 28 2022

Mindoro Governor tinangkang patayin sa loob ng opisina (Suspek arestado)

ISANG lalaki ang nasakote nang tangkaing saksakin si Occidental Mindoro Governor Eduardo Gadiano gamit ang tatlong kutsilyo, sa loob ng kaniyang tanggapan sa Kapitolyo, sa bayan ng Mamburao, nitong Martes ng umaga, 1 Setyembre.

Kinilala ni Gadiano ang suspek na si Adriane Gatdula, residente ng lalawigan, bagaman nagtataka ang gobernador sa motibo ng pagtatangka sa kaniyang buhay.

Kasalukuyan nang nasa kustodiya ng Mamburao police si Gatdula matapos madakip sa loob ng tanggapan.

Kinompiska ng pulisya ang cellphone ni Gatdula sa pag-asang matukoy kung mayroong kinausap ang suspek kaugnay sa kaniyang pagsalakay sa Kapitolyo.

Naganap ang insidente dakong 10:00 am kahapon habang nagtatrabaho si Gadiano sa kaniyang tanggapan.

Ayon sa gobernador, maraming tao sa loob ng opisina nang biglang pumasok si Gatdula at hinagisan siya ng kutsilyo.

Nagawang makailag ng gobernador sa kutsilyo ngunit naglabas ng dalawa pang kutsilyo si Gatdula at tinangka siyang saksakin.

Hinarangan ng gobernador at ng kaniyang tauhan ang suspek gamit ang mga bangko hanggang makorner si Gatdula sa banyo ng opisina.

Nang dumating ang mga security personnel, inilabas nila ang gobernador mula sa kaniyang opisina patungo sa mas ligtas na lugar sa kapitolyo.

Naniniwala si Gadiano na gusto siyang patayin ng suspek bagaman wala siyang natatanggap na pagbabanta sa kaniyang buhay bago maganap ang insidente.

About hataw tabloid

Check Also

Pasay City Mayor Emi Calixto Rubiano, DILG, DOH, MMDA turnover ceremony of home care kits feat

Pasay City Mayor Emi Calixto Rubiano, DILG, DOH, MMDA turnover ceremony of home care kits

PINANGUNAHAN ni Pasay City Mayor Emi Calixto Rubiano, kasama ang mga opisyal ng Department of …

Pitmaster Foundation

Pitmaster Foundation muling namahagi ng P20-M homecare kits

MULING namahagi ang Pitmaster Foundation ang P20 milyong halaga ng homecare kits sa 17 local …

Manny Villar ABS-CBN

Broadcast frequencies ng ABS-CBN, ‘nasulot’ ni Villar

MALABO nang mabawi ng ABS-CBN ang kanilang prankisa sa susunod na administrasyon dahil ibinigay na …

Duterte, ‘maritess’ na pangulo — netizens

BUKOD sa tawag na lameduck, tinaguriang ‘Marites’ o taong mahilig sa tsismis si outgoing President …

Defensor kinutya sa mga maling paratang sa QC

HATAW News Team KAMAKAILAN may mga ikinalat si Anak Kalusugan Party-list representative Mike Defensor na …

Leave a Reply