Sunday , February 25 2024
fire sunog bombero

85-anyos lolong may CoVid-19 nangsunog ng quarantine facility

MATAPOS tumakas mula nang maospital dahil sa coronavirus disease (CoVid-19), sinunog ng isang 85-anyos lolo ang social hall kung saan siya inilipat para i-quarantine sa Barangay Guiset Norte, sa bayan ng San Manuel, sa lalawigan ng Pangasinan, noong Linggo, 6 Setyembre.

 

Kinilala ang suspek na si Jacinto Delos Santos,  residente sa Barangay Guiset Norte, sinabing gumawa ng sunog sa social hall na ginawang barangay quarantine facility matapos pagbawalan ng duty nurse na umalis ng pasilidad.

 

Nagsimula ang sunog dakong 2:00 pm bago nagresponde ang mga tauhan ng Bureau of Fire and Protection (BFP) na naapula ang apoy matapos ang 20 minuto.

 

Naunang dinala si Delos Santos sa Region 1 Medical Center (R1MC) sa lungsod ng Dagupan matapos magpositibo sa CoVid-19, ngunit tumakas, at sa hindi malamang dahilan ay nagpunta sa munisipyo ng San Manuel.

Agad ipinag-utos ni Mayor Kenneth Perez sa San Manuel Rural Health Unit na dalhin si Delos Santos sa local quarantine facility dahil hindi pa siya gumagaling sa sakit.

 

Hindi umano matiis ni Delos Santos ang pag-iisa at ginusto nang umalis sa barangay quarantine facility.

 

Kasalukuyang tinutukoy ang halaga ng pinsala ng quarantine facility dahil sa sunog.

 

About hataw tabloid

Check Also

Vape Smoke

Vape company ipinasasara ng Kamara

NANAWAGAN ang Kamara de Representantes sa Securities and Exchange Commission (SEC),  sa Department of Trade …

Valenzuela city magtatayo ng command center Nagbigay pa ng 2 swat van

Nagbigay pa ng 2 swat van
Valenzuela City magtatayo ng command center 

BILANG bahagi ng pagdiriwang ng ika-26th Charter Day ng Valenzuela, pinangunahan ni Mayor WES Gatchalian ang …

shabu drug arrest

2 tulak, nalambat sa buy-bust

DALAWANG tulak ng ilegal na droga ang nalambat makaraang kumagat ang mga ito sa isinagawang …

Kelot kinalawit sa pag-iingat ng baril 10 pa law violators dinakma

Kelot kinalawit sa pag-iingat ng baril; 10 pa law violators dinakma

ISANG lalaki na nag-iingat ng iligal at hindi lisensiyadong baril ang inaresto ng pulisya kabilang …

San Pedro Apostol Simbahan bumagsak

Balcony bumagsak habang pari at lay ministers nagpapahid ng abo sa noo ng mga deboto
80-ANYOS LOLA PATAY SA INAANAY NA PALAPAG NG SAN PEDRO APOSTOL

ni MICKA BAUTISTA at ng HATAW News TEAM HINDI nakaligtassa kamatayanang isang 80-anyos lolang deboto …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *