Tuesday , March 18 2025
Baliuag Bulacan
Baliuag Bulacan

Intensified border control ipinatutupad sa Baliwag

SINIMULAN na ng lokal na pamahalaan ng Baliwag, sa lalawigan ng Bulacan, ang pagpapatupad ng ‘intensified border control’ upang mapababa ang bilang ng kaso ng CoVid-19 sa munisipalidad.

 

Ipinasara ng lokal na pamahalaan ang maraming kalsada sa Baliwag at naglagay ng mga checkpoint sa iba’t ibang lugar upang makontrol ang galaw ng mga tao.

 

“Gagawin natin ito sa pag-asang mapababa ang kaso ng CoVid-19 sa Baliwag, kung saan 61% ng kabuuang bilang ay mula sa mga may history of travel sa mga high risk area tulad ng NCR,” ayon sa Facebook post ni Mayor Ferdie Estrella.

 

Simula 5 Setyembre, nakapagtala ang Baliwag ng 189 kaso, 96 ay aktibo, 86 ang nakarekober, 7 ang namatay, at 111 ang kaso ng suspected CoVid-19.

 

Sa ilalim ng ipinatutupad na intensified border control, mga tinatawag na APOR (authorized persons outside of residence) o makapagpapatunay na mayroon silang essential travel ang papayagan lamang na makapaglabas-pasok sa Baliwag.

 

Kinakailangang magpakita ng kanilang company identification card, quarantine pass, o travel pass mula sa kanilang local governments kung hindi sila residente ng Baliwag.

 

Ang mga residente ng Baliwag na nagtatrabaho sa National Capital Region o iba pang high-risk areas ay hinimok na manatili  na lamang sa lugar na malapit sa kanilang trabaho o makinabang sa work from home scheme.

 

Kung ang manggagawa ay hindi maaaring manatili malapit sa lugar ng trabaho, siya ay hihimukin na mag-apply online para pahintulutang maihiwalay kapag siya ay uuwi galing sa trabaho.

 

Maaari rin silang umupa ng budget dormitory sa Baliwag o makinabang sa APOR village na itinalaga sa kanilang barangay. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

TRABAHO Partylist, may malasakit sa mga kababaihang nasa laylayan ng lipunan

TRABAHO Partylist, may malasakit sa mga kababaihang nasa laylayan ng lipunan

MULING pinagtibay ng TRABAHO Partylist ang kanilang pangako na tugunan ang mga sistematikong balakid na …

Para sa mga bomber TRABAHO Partylist, nanawagan ng mas mataas na sahod at maa

Para sa mga bombero
TRABAHO Partylist, nanawagan ng mas mataas na sahod at maayos na kondisyon sa trabaho

NGAYONG paggunita ng Fire Prevention Month sa buwan ng Marso, nanawagan ang TRABAHO Partylist para …

FPJ Panday Bayanihan partylist

Proteksiyon sa Frontliners hangad ng FPJ Panday Bayanihan partylist

ISUSULONG ng FPJ Panday Bayanihan partylist ang Good Samaritan Law upang tiyakin ang proteksiyon para …

TRABAHO Partylist

TRABAHO Partylist pabor sa mandatory 30% local output para sa PH-made vehicles

IDINEKLARA ng TRABAHO Partylist ang kanilang suporta sa iminungkahing magkaroon ng mandatory 30% local output …

Arrest Shabu

Higit P1.2-M shabu nasamsam, 2 armadong tulak tiklo sa Bulacan

SA KAMPANYA laban sa ilegal na droga at baril, naaresto ng pulisya ang dalawang hinihinalang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *