Monday , November 18 2024

Brian Bilasano

Para sa Traslacion 2020: Zero vendor sa Quiapo, utos ni yorme

MAHIGPIT na ipinag-utos ni Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ang zero vendor policy sa darating na pista ng Itim na Nazareno sa 9 Enero 2020. Hindi papayagan ni Isko na makapagtinda ang ambulant vendors partikular sa kasagsagan ng  Traslacion 2020. Ang pagbabawal ay ipinahayag ni Mayor Isko sa kanyang “The Capital Report” na nagpa­pa­hayag na tablado ang lahat ng vendor at …

Read More »

Isko, MPD sumalakay sa ‘Recto university’

GINALUGAD ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso, kasama ng mga pulis ni Manila Police District (MPD) Director P/BGen Bernabe Balba ang tinaguriang “Recto university” sa kahabaan ng C.M. Recto Avenue, Sta. Cruz, Maynila. Umarangkada ang grupo ng alkalde dakong 11:00 am  para ilunsad ang “Operasyon Baliko” upang galugarin ang mga gawaan ng pekeng doku­mento at iba pang ilegal na aktibidad …

Read More »

Habang nasa motorsiklo… Pulis-Maynila inatake sa puso

road accident

BINAWIAN ng buhay sa ospital ang isang pulis-Maynila makaraang atakehin sa puso habang lulan ng kanyang motor­siklo papasok sa trabaho sa Tondo, Maynila kama­kalawa ng umaga. Ayon sa ulat ng Manila Police District (MPD), kinilala ang biktimang si P/Lt. Raul Imperial na papunta sa MPD Police Station 5 nang atakehin habang sakay ng kanyang motor­siklo sa Chesa St., Tondo dakong …

Read More »

Citizen’s arrest vs ‘mambababoy’ sa Jones Bridge

HINIKAYAT ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ang citizen’s arrest laban sa mag­tatangkang ‘mana­laula’ sa pinagandang Jones Bridge na nag­dudugtong sa Intra­mu­ros at Ermita sa Binon­do, Maynila. Pahayag ni Moreno, “Be vigilant. ‘Yung mga magdudumi dito, ares­tohin ninyo, taongbayan. Hindi lang amin ito. Bilang pamahalaan, sa ating lahat ito… bilang Filipino, bilang Manile­ño. You own it.” Idinagdag ni Mayor …

Read More »

MPD-TPU chief humingi ng ‘tara’ inreklamo sa GAIS

NASA hot water nga­yon ang hepe ng Tourist Police Unit (TPU)  ma­ka­raang ireklamo ng kanyang mga tauhan sa Manila Police District-General Assignment and Investigation Section (GAIS) dahil sa umano’y pagtatalaga ng tara ng P150-P300 kada araw sa MPD Headquarters sa United Nation Ave., Ermita, Maynila. Sa ulat ng MPD-GAIS, dakong 9:00 am kamakalawa, si P/Cpl. Jonathan Yasay, naka­talaga sa TPU …

Read More »

Manila traffic enforcer kinaladkad… SUV driver hindi paliligtasin ni Mayor Isko

NABUGBOG sa sermon kay Manila Mayor Fran­cisco “Isko Moreno” Doma­goso, ang SUV driver na nadakip at nakapiit ngayon sa Manila Police District (MPD) matapos kalad­karin sa kanyang behi­kulo ang isang traffic enforcer na sumita sa kanya dahil sa pagba­lewala sa lane marking, sa Sta. Cruz, Maynila. Hinarap kama­ka­lawa ng gabi ni mayor Isko sa kulungan ng Manila Police District Sta. …

Read More »

Pulis-Maynila na nanakit ng bata, wanted kay Balba!

GALIT na ipinag-utos ni Manila Police District (MPD) director P/BGen. Bernabe Balba ang pag-aresto sa isang pulis-Maynila makaraang mag- viral pa sa social media ang ginawang pananakit sa isang 12-anyos binatilyo na nakasira sa side mirror ng kanyang sasakyan, kamakailan sa Pandacan, Maynila. Ayon kay Balba, sisiguradohin niyang matatanggal sa serbisyo ang pulis na si P/MSgt. Dennis Piad, nakatalaga sa …

Read More »

4 pulis timbog sa P.2-M extortion sa drug suspect

ARESTADO ang apat na tauhan ng Manila Police District (MPD) sa isinagawang entrap­ment operation ng Integrity Management and Enforcement Group (IMEG) katuwang ang Regional Intelligence Division (RID) NCRPO at MPD DID makaraang manghingi ng malaking halaga sa kaanak ng naarestong drug suspect, nitong Miyerkoles ng gabi sa loob ng isang presinto sa Baseco Compound, Port Area, Maynila. Kinilala ang mga …

Read More »

Vendors tablado kay Yorme Isko ngayong Pasko

TALIWAS sa nakasa­nayan tuwing Pasko na naglipana ang vendors sa buong lungsod ng Maynila, tiniyak ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Doma­go­­so na mananatiling zero vendors ang main thoroughfares ng May­nila partikular sa Divisoria. Seryosong pahayag ni Isko, “tapos na ang maliligayang araw na ang mga vendor ay ‘panginoon’ sa mga kalsada sa Maynila.” “Nakagawian na kasi ‘yan. ‘Pag panahon …

Read More »

Bebot na tulog binoga sa loob ng bahay, patay

gun dead

HINDI na nagising ang isang 38-anyos babae makaraang barilin nang hindi nakilalang gunman habang nasa mahimbing na pagtulog sa tinu­tuluyang unit sa Baseco Compound, Port Area, Maynila, kamakalawa ng gabi. Ayon sa ulat na nakarating kay Manila Police District(MPD) Director P/BGen. Bernabe Balba, kinilala ang biktimang si Maela Prisno, may live-in partnr, taga-314 Blk.15-A Baseco Compound. Sa imbesti­ga­syon ni P/Capt. Henry …

Read More »

Cavite official sinibak 300 VK, fruit games machines winasak

MINASO at winasak ng mga pulis ng Police Regional Office 4-A (PRO 4-A) Office of the Regional Director Action Team ang mahigit 300-piraso ng ipinagba­bawal na video karera at fruit game sa Calabarzon. Base sa ulat ni PRO4-A Regional Director (RD) General Vicente Danao, nakompiska ng mga pulis ang 252 piraso ng VK at FG mula sa limang probinsiya na …

Read More »

VM ng Masbate patay sa Maynila, dalawa sugatan (Apat suspek arestado)

PATAY ang vice mayor ng bayan ng Batuan, sa Ticao Island, Masbate habang sugatan ang kanyang pamang­kin at personal aide maka­raang pagbabarilin ng apat na suspek habang kumakain sa isang karin­derya sa Vicente Cruz St., Sampaloc, Maynila, kahapon. Hindi umabot nang buhay sa UST Hospital, ang biktimang si Charlie Yuson III, 56 anyos, vice mayor ng Batuan, Mas­bate, dahil sa …

Read More »

Mapua, binulabog ng bomb threat (Pekeng IED natagpuan)

BINULABOG ng bomb scare ang Mapua University kahapon ng umaga mula sa nagpakilalang miyembro ng ‘New People’s Army (NPA)’ sa Intramuros, Maynila ngunity kalaunan ay natuklasang ‘hoax’ at bomb scare ang naganap. Dahil dito, tuluyan nang sinuspende ng Mapua manage­ment ang klase at ipina­tupad ”Digital Day” o ang klase ay gaganapin online. Nabatid na isang text message, mula sa hindi inilabas na numero …

Read More »

2 laborer patay sa demolisyon ng hotel sa Malate

PATAY na nang marekober ang dalawang construction workers, anim na oras matapos madaganan ng mga debris sa ginigibang lumang gusali na inookupa ng Hotel Sogo sa A. Mabini St., Malate kahapon ng umaga. Nabatid sa ulat, tinatayang 22 trabahador ang nasa loob nang mangyari ang pagguho habang isinagasagawa ang demolisyon. Umabot nang halos anim na oras bago tulu­yang nakuha ang …

Read More »

Dahil sa curfew ni Mayor Isko… 1,998 menor de edad nasagip sa Maynila

UMABOT sa 1,998 menor de edad ang nasa­gip ng Manila Police District (MPD) maka­raang ipag-utos ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ang mahigpit na pagpa­patupad ng ordinansa partikular ng curfew hours sa lungsod. Nabatid kay Manila Police District (MPD) Director P/BGen Vicente Danao Jr., mula nang kanilang ikinasa ang mga oeprasyon noong  2 Setyembre hanggang 12 Setyembre 2019 ay patu­loy …

Read More »

Metrobank sa Binondo hinoldap (P1-M alok ni Isko vs holdapers)

NAGLATAG ang Manila Police District  (MPD) ng dragnet ope­ration para sa agarang ikadarakip ng pitong  suspek na nanloob sa isang sangay ng Metro­bank sa Binondo, kaha­pon, Huwebes ng umaga. Sa ulat, 8:40 am nang looban ng mga suspek ang nasabing banko na kabubukas lamang. Ipinasok umano sa kuwarto ang mga emple­yado at iginapos gayon­man walang iniulat na nasaktan. Kaugnay nito, …

Read More »

VK at fruit game machines minaso ni Isko at Danao

WINASAK sa pangu­nguna ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ang mga na­kompiskang video karera at fruit game machines kahapon ng umaga, 3 Hulyo, sa Manila City hall quadrangle. Ayon kay MPD Direc­tor P/Brig. Gen. Vicente Danao Jr., umabot sa 75 piraso ng video karera at fruit games ang nasam­sam sa isinagawang ope­rasyon sa buong magda­mag. Partikular na minaso ni …

Read More »

2 Kotongero pinosasan ni Mayor Isko

ARESTADO ang dala­wang empleyado ng isang pribadong kompanya dahil sa pangongotong at pangongolekta sa mga vendor sa Blumentritt, Sta. Cruz, Maynila sa isinagawang entrapment operation nitong Martes ng umaga. Kinilala ang mga sus­pek na sina Vilma Cortez, 48, secretary, residente sa 378 Malvar St., Tondo; at Jeffrie Solomon, 37, checker, ng Blk. 3 Lot 18 Phase III Golden City, Barangay …

Read More »

Arestadong hired killers pinagbabaril sa Maynila

PATAY ang dalawang nadakip na hired killer nang tambangan ng motor­cycle riding-in-tandem gunmen habang lulan ng mobile patrol pagkagaling sa inquest proceedings pabalik sa police station sa Sampa­loc, Maynila. Naganap ang pana­nambang dakong 4:15 pm, sa kahabaan ng A.H. Lacson Avenue ilang metro mula sa panulukan ng Fajardo St., sa Sampaloc, nang biglang sumulpot ang tatlong riding-in-tandem saka hinarang ang …

Read More »

Tserman itinumba ng tandem sa Tondo (Estudyante tinamaan ng bala)

gun shot

DEAD on arrival sa paga­mutan ang isang kapitan ng barangay habang sugatan ang 16-anyos na  estudyante na tinamaan ng ligaw na bala maka­raang pagbabarilin ng riding-in-tandem gun­man sa Tondo, Maynila. Hindi na umabot nang buhay sa Ospital ng Tondo ang kapitan ng Barangay 199 na si Marcelino Ortega, 41 anyos, residente sa Pilar St., Manuguit, Tondo bunsod ng tama ng …

Read More »

Razorback drummer, doctor, 1 pa nag-suicide

TATLONG suicide na kinasasangkutan ng isang celebrity musician, ba­baeng doktor at isang dayuhang Taiwanese ang naitala ng pulisya kaha­pon sa mga lungsod ng Maynila, Pasay at Taguig. Unang pumutok sa social media ang pina­niniwalaang pagpa­pa­kamaty ni Razorback drummer Brian Velasco nang mapanood ang selfie video na mismong ang biktima umano ang nag-post. Sa video post sa social media, na agad …

Read More »

16-anyos dalagita dinukot, nireyp ng utol ng nanay

missing rape abused

ARESTADO ang isang 22-anyos lalaking wanted sa kasong pagtangay at panggagahasa sa kanyang 16-anyos dalagitang pa­mang­kin, makaraang ma­tunt­on ng mga awtoridad sa pinagtataguan sa Muntinl­u-pa City, nabatid sa ulat ng pulisya kahapon. Ayon kay MPD Sam­paloc police (PS4) station commander, Supt. Andrew Aguirre, kinilala ang suspek na si Andrei Yamson, residente sa Muntinlupa City, nadakip ng mga tauhan ng Intelligence …

Read More »

11-anyos PH Wushu Taolu athlete nahulog sa kama patay

Rastafari Daraliay Wushu Taolu athlete

BINAWIAN ng buhay ang isang 11-anyos Wushu Taolu junior athlete at miyembro ng Philippine team, nang mahulog mula sa tinu­tulugang double deck sa Philippine Center for Sports Medicine Buil­ding, Rizal Memorial Sports Complex sa P. Ocampo St., Malate, Maynila, kamakalawa. Isinugod sa Adven­tist Medical Hospital ngunit nalagutan ng hininga ang biktimang si Rastafari Daraliay, resi­dente sa Block 7, Lot 7, …

Read More »

Tserman binoga sa ulo ng tandem

BUMULAGTANG wa­lang buhay ang isang barangay chairman nang barilin sa ulo ng riding-in-tandem habang lulan ng kanyang motorsiklo ma­ka­raan dumalo sa isang anti-illegal drugs seminar, sa kanto ng P. Burgos Drive at Ma. Orosa St., Ermita, Maynila kahapon. Kinilala ni SPO 3 Jonathan Bautista ng Manila Police District – Homicide Section, ang biktimang si Barangay Chairman Angel Joy Rivero, 52, …

Read More »

P20.4-M shabu nasabat sa Maynila

KOMPISKADO ang tinatayang P20.4 milyon halaga ng ilegal na droga sa isang 25-anyos lalaki sa buy-bust operation ng mga awtoridad sa lungsod ng Maynila, nitong Huwebes ng hapon. Ayon sa ulat, dakong 3:20 pm nang ikasa nang pinagsanib na puwersa ng Philippine Drug Enforcement Group (PDEG) Special Operations Unit, Region 3 Drug Enforcement Unit (RDEU) at Manila Police District (MPD), …

Read More »