Tuesday , August 9 2022

VM ng Masbate patay sa Maynila, dalawa sugatan (Apat suspek arestado)

PATAY ang vice mayor ng bayan ng Batuan, sa Ticao Island, Masbate habang sugatan ang kanyang pamang­kin at personal aide maka­raang pagbabarilin ng apat na suspek habang kumakain sa isang karin­derya sa Vicente Cruz St., Sampaloc, Maynila, kahapon.

Hindi umabot nang buhay sa UST Hospital, ang biktimang si Charlie Yuson III, 56 anyos, vice mayor ng Batuan, Mas­bate, dahil sa tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Isinailalim sa opera­syon sa nasabing ospital si Alberto Yuson, 23 an­yos, pamangkin ng bikti­ma, at Alfredo Pineda, 44 anyos, equipment agent, at residente sa 100 Heroes Del 96, Caloocan City.

Arestado ang apat na suspek, na hindi muna isinapubliko ang panga­lan pero ang isa ay sina­bing taga-San Fernando, Ticao Island, Masbate  at sinasabing nakatira sa isang resort na pag-aari ng isang mataas na opisyal ng gobyerno.

Sa panayam kay Ba­ra­ngay Chairman Charlie Yuson, Jr., ng Brgy. 482 Zone 43, kapatid ng biktima, may limang araw na ang kanyang kapatid sa Maynila na tumatayo rin bilang OIC ng kanilang bayan, para bumili ng back hoe.

Gayonman, kinom­pirma ni Charlie, Jr., may natatanggap nang death threats ang kanyang ka­pa­tid  at hinala niya, politika ang motibo ng pagpaslang.

“Hindi siguro ma­tang­­gap ng nakalaban nila na natalo nila kahit gu­mas­­tos ng milyones,” ayon kay Charlie Jr.

Sa imbestigasyon ng Manila Police District -Homicide Section, naga­nap ang insidente dakong 8:45 am sa isang karin­derya sa 168 Vicente G. Cruz St., Sampaloc, Maynila, habang nag-aalmusal ang biktima kasama ang ilan niyang aide at pamangkin na si Pao-pao.

Naaresto ang mga suspek sa dragnet opera­tion na inilatag matapos ang pamamaril.

Isang barangay chair­man ang nakakita sa mga suspek sakay ng van, may plakang ACM 8804 kaya agad ipinaradyo sa nag­pa­patrolyang kagawad ng MPD Sampaloc Station (Ps4) na pina­mumunuan ni P/Lt. Col. Robert Domingo.

Nasukol ang mga suspek lulan ng getaway van sa Pedro Gil St., ng mga kagawad ng MPD PS5 Pedro Gil PCP at ng SWAT.  Nakompiska sa mga suspek ang iba’t ibang klaseng long at short firearms.

Kasalukuyang isina­sailalim sa interogasyon ang mga suspek.

Siniguro ni MPD Director P/BGen. Vicente Danao, Jr., ang mala­limang imbestigasyon at aalamin ang lahat ng anggulo sa ginawang pama­maslang sa alkalde kung ito ay may kaug­nayan sa negosyo, per­sonal na galit, sa kanyang trabaho o sa politika.

ni BRIAN BILASANO

About Brian Bilasano

Check Also

P120-K shabu nasabat live-in partners nasakote

P120-K shabu nasabat live-in partners nasakote

NASAMSAM ang P120,000 halaga ng hinihinalang shabu mula sa live-in partners sa ikinasang drug buy …

Sa Rizal P1.1-M DROGA NASABAT 6 HVI SWAK SA SELDA

Sa Rizal
P1.1-M DROGA NASABAT 6 HVI SWAK SA SELDA

DERETSO sa kulungan ang anim na nakatalang high value individual (HVI) makaraang makompiska sa kanila …

dead gun police

Kaanak ng suspek sa Ateneo shooting  itinumba

PINASLANG ang isa pang kaanak ng suspek sa pamamaril sa Ateneo de Manila University na …

Bulacan Police PNP

3 wanted criminal nasakote, 6 astig na pasaway lumambot

ARESTADO ang tatlong indibidwal na pinaghahanap ng batas at anim na iba pa sa ikinasang …

PNP PRO3

23 sugarol timbog sa Central Luzon

SA PAGPAPATULOY ng PRO3 PNP sa kanilang hakbang laban sa illegal gambling, iniulat ni Regional …

Leave a Reply