Monday , August 15 2022

Turo-turo ba ang solusyon ng palasyo sa palpak na mass transportation system?

KUNG hindi kayang harapin ang katotohanan at tunay na problema, tiyak na hindi mareresolba ang ‘krisis’ sa mass transportation system.

Sa totoo lang, mayroon ngang Build, Build, Build program, ang administrasyong Duterte, pero sa lahat ng ‘yan maliban sa pagbuhay ng perokaril sa north at south Luzon, at MRT 7, wala na tayong ibang makitang mass transportation na sila ay ide-develop.

Ang lahat ng ginagawang kalsada o skyway ay magsisilbi para sa private transport at business sector.

Ang EDSA na dinaraanan ng mga bus, UV Express at iba pang public transport ay gusto pang ibigay sa private sector.

Idagdag pa natin ang attitude ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo na ang lahat ng kapalpakan ay isinisisi sa mga nagdaaang administrasyon.

Wattafak!

Tatlong taon na po ang bagong administrasyon, hanggang ngayon ba ay wala pa kayong nakitang solusyon kung paano aayusin ang palpak na mass transport system?!

Kailangan bang masira o masunog muna ang spare parts bago umangkat?! Wala bang naka-stock na spare parts ang LRTA?!

E ano palang ginagawa ng mga pinasusuweldong opisyal ng LRTA kung tuwing magkakaproblema gaya ng pagkasunog ng rectifier ay kailangan pang maghintay ng siyam na buwan bago makapag-operate ulit?!

Ano ba ang ginagawa ng mga opisyal ng LRTA?! Pakuya-kuyakoy sa malamig na opisina at painom-inom ng Blue Label?!

Arayku!

Kung ganyan ang opisyal ng LRTA, huwag na tayong umasa na iigi pa ang kalagayan ng LRT.

Attention Secretary Art Tugade!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected] Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply