Wednesday , August 10 2022

Pulis-Maynila na nanakit ng bata, wanted kay Balba!

GALIT na ipinag-utos ni Manila Police District (MPD) director P/BGen. Bernabe Balba ang pag-aresto sa isang pulis-Maynila makaraang mag- viral pa sa social media ang ginawang pananakit sa isang 12-anyos binatilyo na nakasira sa side mirror ng kanyang sasakyan, kamakailan sa Pandacan, Maynila.

Ayon kay Balba, sisiguradohin niyang matatanggal sa serbisyo ang pulis na si P/MSgt. Dennis Piad, nakatalaga sa Manila Police District Traffic Enforcement  Unit  at residente sa Maaliwalas St., Kahilum 2, Pandacan, Maynila sa oras na mapatunayang guilty sa pananakit sa bata

Sinisiguro ni Balba na walang mangyayaring whitewash sa isa-sagawang  imbes­tigasyon laban kay Piad dahil hindi umano kokonsin-tihin ang maling gawain ng kan-yang mga tauhan.

Sa imbes­tiga­s-yon ng pulisya, naganap ang in-sidente noong 13 Nobyembre, 1:00 pm nang makita ni Piad na nasira ng binatilyong si James,ang  salamin ng kanyang sasakyan.

Kitang-kita sa viral na kopya ng CCTV na sinasaktan ng pulis ang binatilyo habang pinagmumura hanggang puntahan ng kanyang ina at inawat ang pulis sa pananakit sa kanyang anak na kaagad dinala sa pagamutan.

Dahil sa mga pasa sa katawan ng anak desidido ang ina na sampahan ng kasong paglabag sa RA 7610 o anti- child abuse protection law, ang pulis.

Nabatid na si Piad ay sumasailalim ngayon sa Field Training Officer Course.

(BRIAN BILASANO)

About Brian Bilasano

Check Also

P120-K shabu nasabat live-in partners nasakote

P120-K shabu nasabat live-in partners nasakote

NASAMSAM ang P120,000 halaga ng hinihinalang shabu mula sa live-in partners sa ikinasang drug buy …

Sa Rizal P1.1-M DROGA NASABAT 6 HVI SWAK SA SELDA

Sa Rizal
P1.1-M DROGA NASABAT 6 HVI SWAK SA SELDA

DERETSO sa kulungan ang anim na nakatalang high value individual (HVI) makaraang makompiska sa kanila …

dead gun police

Kaanak ng suspek sa Ateneo shooting  itinumba

PINASLANG ang isa pang kaanak ng suspek sa pamamaril sa Ateneo de Manila University na …

Bulacan Police PNP

3 wanted criminal nasakote, 6 astig na pasaway lumambot

ARESTADO ang tatlong indibidwal na pinaghahanap ng batas at anim na iba pa sa ikinasang …

PNP PRO3

23 sugarol timbog sa Central Luzon

SA PAGPAPATULOY ng PRO3 PNP sa kanilang hakbang laban sa illegal gambling, iniulat ni Regional …

Leave a Reply