PINANGUNAHAN ni Senador Lito Lapid ang inauguration ceremony ng bagong pampublikong palengke sa Brgy. Poblacion, Carmen, North Cotabato.
Sa pamamagitan ng kanyang tanggapan, pinondohan ni Senador Lapid ang nasabing proyekto na ini-request nina North Cotabato Gov. Emmylou “Lala” Taliño-Mendoza at Cong. Alana Samantha Taliño-Santos.
Ayon kay Engr. Saidale Mitmug ng DPWH-Cotabato 3rd District Engineering Office, nasa P50-milyon ang halaga ng proyekto na itinayo sa loob ng 325 araw.
Sa kanyang talumpati, inaasahan ni Lapid na malaki ang maitutulong ng bagong palengke sa mga residente ng Carmen at mabibigyan ng maayos na kita at hanapbuhay ang mga vendor dito.
Nagpasalamat sina Gov. Mendoza at Carmen Mayor Rogelio Taliño kay Senador Lapid sa kanyang naibigay na mahalagang proyekto sa kanilang bayan.
Matapos ito, dumalo si Lapid sa pagdiriwang ng 68th founding anniversary ng bayan ng Carmen, kasama ang local officials at mga kawani ng munisipyo sa “Pabongahan sa Kalsada” program.
Nagbigay si Lapid ng P100,000 bilang karagdagang papremyo sa street dance competition sa Carmen. (NIÑO ACLAN)