Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Ping Lacson, Neil Arce, Angel Locsin
Ping Lacson, Neil Arce, Angel Locsin

Mga negang netizen tameme sa Angel-Neil love story

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

PINATUNAYAN ni Neil Arce kung gaano niya kamahal si Angel Locsin. Iba ngang level ang tumamang kupido sa dalawa na ngayon ay mag-asawa na.

Ang mga nega na nag-iisip na hindi magtatagal at maghihiwalay sina Neil at Angel dahil nawala ang kaseksihan ng aktres, tiyak na natameme at nainggit to the max.

At kahit hindi matuloy-tuloy ang planong church wedding dahil sa pandemic, nag-civil wedding na muna sila. At kahit simple, feel na feel naman ang love nila, na pinagtibay ng pagsubok.

Limitado ang mga sumaksi sa kasal dahil may health protocol. Pero isa sa mga masaya para kina Angel at Niel eh itong si Senador Ping Lacson, na napapabalitang tatakbong pangulo, at magiging bise presidente niya si Senate President Tito Sotto.

Dati na kasing sinabi ni Lacson na baka isa siya sa mga magiging ninong sa kasal nina Angel at Niel. Kaibigan kasi ng senador si Neil, kaya todo tanggol siya kay Angel nang ma-“red tag” ito noon.

Tila itinadhana rin silang tatlo dahil noong isapelikula ang buhay bilang mahusay na pulis ni Lacson, ang Ping Lacson: Super Cop, na si Rudy Fernandez ang bida, kasama sa cast si Angel na gumanap na anak ng negosyante na sinagip ni Lacson sa mga kidnaper.

Kaya malamang na sa church wedding nina Angel at Neil, may presidente at bise presidente silang mga ninong.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …