Gladys Reyes Caprice Cayetano Heath Jornales

Gladys kinilig kina Caprice at Heath

MATABIL
ni John Fontanilla

MARAMING netizens ang kinilig sa impromptu acting nina Caprice Cayetano at Heath Jornales. Kitang-kita kasi at ramdam na ramdam ang nag-uumapaw na chemistry ng dalawa.

Bukod nga sa kinilig na netizens ay ‘di rin naiwasang kiligin  si Gladys Reyes na naging espesyal na panauhin sa Bahay ni Kuya.

Pinagsilbihan siya ng mga Teen Housemate na kunwaring staff ng hotel na part ng kanilang task.

Sa isang banda ay sinabihan ng primera kontrabida ang mga Teen Housemate na mag-impromptu acting na kinasahan naman ng bawat isa.

Nagdala nga ng kilig sina Caprice at Heath sa kanilang  Love-rary skit.

Kasama rin sa skit sina Joaquin Arce at Carmelle Collado na tumayong magulang  ng dalawa.

Mukhang ang tambalang Caprice at Heath ang susunod sa yapak na sumikat na loveteam na galing sa PBB.