Ralph Dela Paz

Actor/negosyanteng si Ralph Dela Paz sunod-sunod proyekto ngayong 2026

MATABIL
ni John Fontanilla

MASAYANG-MASAYA ang actor/businessman na si Ralph Dela Paz dahil matapos itong mag-shoot ng kanyang commercial ng isang brand ng noodles ay may kasunod na kaagad, isang brand naman ng kotse.

Post nga nito sa kanyang Facebook, “Maraming salamat po Dangal ng Pinas! 🙏🙇

Isang karangalan po ang mabigyan ng ganitong award 🙏🙇.”

Ipalabas na rin ngayong taon ang mga pelikula niyang Arapaap at Resku

Tatanggap din ito ng bagong award sa Dangal ng Pinas Excellence Award 2026  bilang Outstanding Indie Actor  and Performing Arts Awards.

Nakakatutok din ito sa kanyang umaalagwang negosyo na parami nang parami ang branches sa buong Pilipinas.