Friday , March 6 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Jules Tolentino Nxled PVL
HINIRANG si Tolentino bilang PVL Press Corps Player of the Week. (PVL photo)

Reyna ng sets! Tolentino, pasiklab sa Nxled — Player of the week!

HINDI nagpapakabog ang batang setter ng Premier Volleyball League na si Jules Tolentino matapos pangunahan ang Nxled sa matikas na panalo kontra Cignal HD Spikers sa 2026 PVL All-Filipino Conference!

Sa harap ng naghihiyawang fans sa Ynares Center, walang awang dinomina ng 23-anyos na playmaker ang laban—kumamada ng 19 excellent sets at limang puntos mula sa dalawang atake, dalawang kill block, at isang ace para sa dikdikan at mahigpit na 25-19, 25-22, 27-25 panalo ng Chameleons!

Dahil sa kanyang pasabog na performance, hinirang si Tolentino bilang PVL Press Corps Player of the Week na inihahandog ng Pilipinas Live.

Dating standout ng De La Salle University, patuloy ang pag-angat ni Tolentino at hindi nagpapadala sa hype. Aniya, trabaho lang nang trabaho—panalo man o talo, pareho pa rin ang kanyang disiplina at mindset!

Hindi rin siya nagkulang sa pamamahagi ng bola—umiskor ng tig-14 sina Brooke Van Sickle at MJ Phillips, may 12 si Myla Pablo, at siyam naman kay Lyann De Guzman sa balanseng opensa ng Nxled.

Ayon kay Tolentino, malaking tulong ang presensya ng kanyang mga beteranong kakampi sa mga crucial moments ng laro. “Sila talaga ang nag-step up sa dulo,” pahayag niya.

Tinalo niya sa botohan ang ilan sa pinakamaiinit na pangalan sa liga, kabilang sina Bernadeth Pons, Jia De Guzman, Kianna Dy, Chinnie Arroyo, Trisha Tubu at Vanie Gandler para sa lingguhang parangal na iginagawad ng mga mamamahayag na tumututok sa pro league na inorganisa ng Sports Vision.

Ngayon, target ng Nxled ang ikaapat na sunod na panalo kontra Galeries Tower sa Huwebes, 6:30 p.m. sa Filoil Centre. Tuloy ang laban—at tuloy din ang paglipad ng bagong reyna ng sets! (PVL/HNT)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Henry Vargas

Check Also

Sara Duterte

“Sufficient in substance” idineklara sa 2 impeachment complaint vs Sara

ni Gerry Baldo IDINEKLARA ng House Committee on Justice na ang natitirang dalawang impeachment complaint …

Matias B Salvador Elementary School sa bulacan ninakawan

Eskuwelahan nilooban ng tatlong kawatan

HINDI pinatawad ng tatlong lalaking kawatan ang isang eskuwelahan sa Pandi, Bulacan nang kanila itong …

Brian Poe

Rep. Brian Poe: “Sa pagtaas ng presyo ng langis, kailangan ng agarang ginhawa para sa mga Filipino”

MANILA — Nagpahayag si Congressman Brian Poe ng kahandaan na suportahan ang pagbibigay ng limitadong …

Taguig NCCA Vista mall

Arts Festival 2026 inilunsad ng Taguig LGU sa Vista Mall

OPISYAL na binuksan ang Taguig Arts Festival 2026 nitong nakaraang Sabado, 28 Pebrero, sa pamamagitan …

Stella Quimbo Money Maleta

Idiniin ng 2 Ex-Marines
Ex-solon tumanggap ng male-maletang pera

KINOMPIRMA ng dalawang dating Marines ang nauna nilang pahayag na naghatid sila ng mga maleta …