Thursday , June 4 2026
China Town Revitalization Project Phase II

Phase II ng China Town Revitalization Project tulong sa turismo, kultura, at negosyo

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez

NAKAMAMANGHA ang bagong ‘bihis’ na isinagawa sa ilang kalye at landmark sa Binondo. Ito ang nasambit ng mga naimbitahang Entertainment Press ng Federation of Filipino Chinese Chamber of Commerce and Industry, Inc. (FFCCCII) para sa China Town Revitalization Project.

Noong Huwebes, Pebrero 12 isa kami sa naimbitahan para masilip ang China Town Revitalization Project Phase II. Ang proyekto ay naglalayong pagandahin ang pinakamatandang Chinatown sa mundo, palakasin ang turismo, kultura, at negosyo, habang binibigyang-pugay ang kasaysayan nito bilang sentro ng kalakalan mula pa noong 1594. 

Ang Phase 1 ng Chinatown Revitalization Project: ang Lighting of the Jones Bridge ay nakakuha ng inspirasyon momentum at vision ng Pasig River Bigyang Buhay Muli Project na nagpakita kung paano nagagawa ng heritage restoration ang urban renewal at civic pride.  

Ang Phase 2 naman ay naglalayong bigyang-liwanag at parangalan ang higit sa apat na siglo ng kasaysayan ng Filipino-Chinese, katatagan, at mga kontribusyon sa komersiyal at kultural na buhay ng bansa.  

Kasama sa key areas ng Phase 2 ang La Madre Filipina (Four Mother Pillars) na nasa magkabilang dulo ng Jones Bridge; MacArthur Bridge (na kitang-kita sa Yuchengco Plaza); Sta. Cruz Church; Four Gates—Qing Shan Gate (Arch of Goodwill), Ongpin South Gat, Ongpin North Gateat Tuan Jie Gate (Arch of Solidarity); Hologram Lights sa Quentin Paredes St., Ongpin St. At Sabino Padilla St., at ang pinakamaganda, ang Projection Mapping sa Binondo Church

Noong Pebrero 13, pinangunahan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang paglunsad ng Phase II ng Chinatown Revitalization Project sa Binondo, Maynila.

Matutunghayan ang mga ito sa nasabing lugar gabi-gabi na sakto rin sa pagdiriwang ng Year of the Fire Horse ngayong February 17.

Kaya kung gusto ninyong makita ang bagong ‘bihis’ ng Binondo, Maynila ayain na ang pamilya, kaibigan, kamag-anak at mamasyal sa magandang tanawin.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Home Along da Riles Da Reunion

Home Along da Riles sa MET, pagbibigay-pugay kay Dolphy

MA at PAni Rommel Placente NOONG June 1, Monday, nagkaroon ng advance screening ang pelikulang Home …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Christian Natividad Rhian Ramos

Mayor ng Malolos planong ituloy Sine Republika Filmfest

MATABILni John Fontanilla ANG mahuhusay na aktor na sina Jomari Yllana at Joko Diaz ang iniidolo ni Malolos Bulacan …