Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

P544-M shabu kompiskado sa Pasay condo (4 Chinese nationals arestado)

Hataw Frontpage P544-M shabu kompiskado sa Pasay condo 4 Chinese nationals arestado
Hataw Frontpage P544-M shabu kompiskado sa Pasay condo 4 Chinese nationals arestado

SINALAKAY ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang isang condo­minium unit sa Pasay City, na gina­gamit bilang pagawaan ng ilegal na droga, at nakompiska ang 80 kilo ng shabu na aabot sa P544 milyon ang halaga.

Ang hinihinalang shabu laboratory ay nasa 16th floor ng isang condo­minium sa Pasay City.

Nakompiska sa nasabing unit ang mga plastic bag ng hinihi­nalang high grade shabu, iba’t ibang uri ng para­phernalia at gamit sa pagluluto ng ilegal na droga.

Ayon kay PDEA Director General Aaron Aquino, unang nadakip sa buy-bust operation ang mga suspek na sina Lam King Wah at Wong Ka Lok, makaraan mabilhan ng dalawang kilo ng shabu sa Aseana Power Station sa Parañaque City.

Sumunod na nadakip ang mga suspek na sina Lam Wing Bun at Lam Ming Sun, sa isa pang buy-bust operation nitong Martes at nakompiska sa kanila ang isang kilo ng shabu.

Nabatid, ang mga suspek ay galing Hong Kong at batay sa inisyal na imbestigasyon, sina Lam Wing Bun at Lam Wing Sun umano ang tagaluto ng shabu habang handler sina Lam King Wah at Wong Ka Lok.

Ayon sa PDEA, ang apat na suspek ay sina­sabing miyembro ng 14-K international drugs syndicate at ang pagka­kaaresto sa kanila ay follow-up sa unang operasyon na nagresulta sa pagkakadakip sa isa pang Chinese national na si Huan Sen Lin sa Roxas Blvd. sa Maynila kama­kailan.

nina MANNY ALCALA/JAJA GARCIA

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

44th Grand Marian Procession sa Intramuros sa 7 Disyembre

44th Grand Marian Procession sa Intramuros sa 7 Disyembre

ni TEDDY BRUL INAASAHAN  na mahigit 100 imahen ng Birheng Maria mula sa iba’t ibang …

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …