Sunday , April 6 2025

15 pulis aasuntohin sa paglabag sa human rights

INIREKOMENDA ng Philippine National Police (PNP) ang paghahain ng kasong kriminal laban sa 15 pulis na umano’y lumabag sa karapatang pantao.

Kasama sa mga balak sam­pahan ng kaso ang isang pulis na nanampal umano ng bus driver na nanuhol daw sa kani­ya, isang pulis sa Iligan na nambugbog ng mga menor de edad dahil sa paglabag sa curfew, at isang pulis sa Taguig na nanutok ng baril sa dalawang menor de edad.

Ayon kay C/Supt. Dennis Siervo, hepe ng PNP Human Rights Affairs Office, maaaring humarap ang 15 pulis sa kasong paglabag sa Republic Act 9745 o Anti-Torture Act.

“Para malaman ng lahat na we don’t tolerate that. Kung mayroon talagang pieces of evidence like video footages ideretso na namin ‘yan,” ani Siervo.

Ngunit iginiit ni Siervo na magkakaroon muna ng imbestigasyon at dadaan sa tamang proseso ang pagdinig sa mga kaso.

“There are certain factors you need to filter in and what happened in that particular time, in that particular environment, that led him to do such act. There should be due process and investigation to be conducted,” aniya.

Kabilang umano sa mga balak sampahan ng kaso ang isang chief inspector, isang senior police officer 4, at tatlong police officer 2. Pinakamarami ang ranggong police officer 1 (PO1) na may anim katao.

Ipinaliwanag ni Siervo na ranggong PO1 ang pinaka­marami dahil sila ang isinasalang sa mga operasyon.

About hataw tabloid

Check Also

Carlo Aguilar, isusulong edukasyon at kapakanan ng mga guro sa Las Piñas

Carlo Aguilar, isusulong edukasyon at kapakanan ng mga guro sa Las Piñas 

LAS PIÑAS – Nangako si mayoral candidate Carlo Aguilar na ipatutupad niya ang matapang at …

Emi Calixto-Rubiano

Programa hindi pamomolitika — Calixto

NANAWAGAN si re-electionist Mayor Emi Calixto-Rubiano sa lahat na dapat ay programa at hindi pamomolitika …

Lani Cayetano Taguig’s annual music festival tagumpay sa pagdiriwang ng 438th founding anniv

Taguig’s annual music festival tagumpay sa pagdiriwang ng 438th founding anniv

DUMALO ang mahigit 15,000 indibiduwal, mayorya rito ay mga kabataan sa unang araw ng taunang …

Pasay Comelec Atty Alvin Tugas

Mga magulang kapwa Chinese national
Tumatakbong konsehal sa Pasay City nanganganib madiskalipika — Atty. Alvin Tugas

TAHASANG sinabi ni Pasay City District 2 Election Officer IV Atty. Alvin Tugas na malaki …

TRABAHO Partylist, dedma sa biyaheng 12-oras para puntahan ang mga Claveriano

TRABAHO Partylist, dedma sa biyaheng 12-oras para puntahan ang mga Claveriano

HINDI ininda ng TRABAHO Partylist, numero 106 sa balota, ang halos 12 oras na biyahe …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *