Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
bagman money

P120-M ayuda sa sinalanta ng baha

READ: Bangkay inanod sa Marikina
READ: Lola, lolo nalunod sa Kyusi
READ: Baha sa Metro Manila humupa na: Red alert nakataas pa rin — NDRRMC

UMABOT sa P120 mil­yo­nes ang halaga ng ayudang naipamahagi ng gobyerno sa mga sinalan­ta ng baha bunsod nang walang puknat na pag­buhos ng ulan sa nakali­pas na dalawang araw.

“As of 6am, 11 August, a total of P120,409,360.92 worth of assistance was provided by the Office of Civil Defense (OCD), the Department of Social Welfare and Development (DSWD), the Department of Health (DOH), LGUs (local government units), NGOs (non-government organizations), and other organizations to the affected families of Regions I, III, CALA­BARZON, MIMAROPA, VI, NCR, and CAR,” ayon kay Presidential Spokes­man Harry Roque.

Nagpasalamat ang Palasyo sa iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan, sa private sector at volun­teers sa kanilang patuloy na pagbibigay ng tulong sa ating mga kababayan na apektado ng pagbaha.

Batay sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Manage­ment Council (NDRRMC), 961 areas ang nakaranas ng pagbaha sa Regions I, III, CALABARZON, MIMA­ROPA, VI, X, CAR, at NCR ngunit 762 lugar ay hindi na lubog sa baha.

Payo ng Malacañang sa publiko, manatiling alerto at nakatutok sa mga abiso ng mga lokal na pamahalaan.

“Patuloy ang pakiki­pag-ugnayan ng mga ahensiya ng gobyerno upang tugunan ang pangangailangan ng mga apektadong residente at tiyakin ang kaligtasan ng lahat.”

(ROSE NOVENARIO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rose Novenario

Check Also

American Bully Dog Kobe

Valenzuela LGU kinondena karumal-dumal na pagputol sa dila ng American Bully

GALIT at bibigyan ng hustisya ng Valenzuela local government unit (LGU), maging ang may-ari ng …

Patas na pasahe para sa TNVS drivers at pasahero

IKINABAHALA ng TNVS Community Philippines ang Memorandum Circular ng LTFRB na nagbababa sa surge pricing …

Bojie Dy Sandro Marcos

Speaker Dy, Majority Leader Marcos naghain ng makasaysayang Anti-Political Dynasty Bill

ni Gerry Baldo ISINASAKATUPARAN ni Speaker Faustino “Bojie” G. Dy III ang kanyang pangakong repormang …

PRC Physician Doctor Medicine

PRC Board of Medicine aprubado para sa imbestigasyon laban sa mga doktor ng Bell-Kenz

MALUGOD na tinanggap ng abogado at tagapagtaguyod ng karapatang pantao na si Lorenzo “Erin” Tañada …

Arrest Shabu

Parang kendi lang kung magbenta ng shabu sa kalye, 2 tulak nakalawit

DALAWANG personalidad na kabilang sa isinasangkot sa droga ang naaresto ng mga awtoridad sa ikinasang …