Monday , May 12 2025

Rappler ‘swak’ sa P133.84-M tax evasion raps

SINAMPAHAN ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang Rappler Holdings Corp. ng P133.84 milyon tax evasion complaint.

Ayon sa BIR, inihain ang kaso sa Department of Justice laban sa Rappler Holdings, sa presidente nito na si Maria Ressa, at treasurer na si James Bitanga “for willful attempt to evade or defeat tax and for deliberate failure to supply correct and accurate information in its annual income tax return and value-added tax returns for taxable year 2015” na paglabag sa National Internal Revenue Code of 1997.

Ipinunto ng BIR na ang Rappler Holdings ay bumili ng common shares mula sa Rappler Inc., sa halagang P19,245,975.00, at pagkatapos ay nag-isyu at nagbenta ng Philippine Depositary Receipts (PDRs) sa iba’t ibang petsa sa dalawang foreign judicial entities para sa kabuuang halagang P181,658,758.67.

“Rappler Holdings used the same common shares it purchased from Rappler Inc. as the underlying asset/share of the PDRs,” ayon sa BIR.

“The purchase of shares and the subsequent issuance of the PDRs for profit that transmitted economic rights (e.g. financial returns or cash distributions) derived from the equity of Rappler Inc. to the PDR holders is proof that Rappler Holdings is engaged in purchase of securities and resale thereof,” ayon pa sa BIR.

“For dealing in securities, Rappler Holdings is subject to income tax and value-added tax,” pahayag ng BIR.

Gayonman, sa annual income tax return at VAT returns ng kompanya para sa 2015 ay nakitang walang income tax at VAT na binayaran ang Rappler Holdings para sa kanilang kinita mula sa PDR transactions.

“As a consequence of its acts and omissions, the aggregate tax liability of Rappler Holdings amounted to P133,841,305.75,” ayon pa sa ahensiya.

About hataw tabloid

Check Also

FPJ Panday Bayanihan

FPJ Panday Bayanihan Partylist umani ng malawak na suporta sa San Jose, Batangas

HABANG ang bansa ay naghahanda sa midterm election, ang FPJ Panday Bayanihan Partylist ay pumapaimbulog …

Nene Aguilar

Suporta sa miting de avance ng tatak Nene Aguilar team, bumuhos

BUMUHOS ang suporta ng libo-libong Las Piñeros sa miting de avance ng Tatak Nene Aguilar …

Abby Binay

Sa Makati Subway Project, pagsasara ng pasilidad sa EMBOs
ABBY BINAY NAHAHARAP SA CRIMINAL, CIVIL CASES

NAHAHARAP si Mayor Abby Binay sa dalawang magkahiwalay na kasong kriminal at sibil dahil sa …

Bagong Henerasyon Partylist

Bagong Henerasyon (BH) pasok sa winning cricle ng SWS survey

HALOS nakatitiyak na ang Bagong Henerasyon (BH) Partylist ng isang puwesto sa Kongreso base sa …

051025 Hataw Frontpage

Tarpaulin sa highways ipinababaklas
KAMPANYA LAST DAY NGAYON — COMELEC
Alak, sabong bawal din

HATAW News Team NAGPAALALA kahapon ang Commission on Elections (Comelec) sa mga kandidato sa May …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *