Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
kylie Robin Padilla Aljur Abrenica
kylie Robin Padilla Aljur Abrenica

Kylie, kaiba ang saya sa pagbabati nina Robin at Aljur

SA guesting ni Aljur Abrenica sa Tonight With Boy Abunda noong Friday, ikinuwento niya ang unang paghaharap nila ni Robin Padilla,  ama ng live-in partner niyang si Kylie Padilla sa isang family dinner last week.

Ang family dinner na ‘yun ay pamamanhikan na rin ng pamilya ni Aljur sa pamilya ni Kylie. Kasama nina Aljur at Kylie ang kani-kanilang pamilya, pati na ang anak nilang si Alas Joaquin.

“Dami niyang nasabing magaganda. Pero ‘yung maibabahagi ko lang ay sinabi ko sa kanya, ‘yung mga nangyari, ‘yung love story namin ni Kylie, kaya siguro naging Romeo and Juliet,” sabi ni Aljur tungkol sa pag-uusap nila ni Robin.

Napansin ni Aljur ang kakaibang saya ni Kylie noong gabing iyon na magkakasama sila.

“Masayahin si Kylie, pero noong gabing ‘yun, doon ko lang nakita ‘yung ganoong klaseng saya, eh, ‘yung relief.”

Sinabi pa ni Aljur na marami silang napag-usapan ni Robin at humingi  siya ng tawad dito ganoon din si Binoe,  na humingi rin ng pasensiya sa kanya.

“Opo. Humingi po siya ng paumanhin sa mga nangyari dati na kung bakit hindi niya kami masuportahan. At naintindihan namin kung bakit. Ang maibabahagi ko lang, ang sabi ko, ‘Pasensiya na, Tito Robin, na ngayon lang nangyari ito.’ Para ngang ang nangyari sa amin ni Tito Robin… para kaming magkaibigan na nagkuwentuhan. Pati siya, may payo siya bilang isang ama. Kung sino si Kylie sa kanya.Yung paano niya tingnan si Kylie, nakita ko, kung gaano niya kamahal ‘yung anak niya.”

MA at PA
ni Rommel Placente

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Gerald Anderson

Gerald umamin may mga pagkukulang kay Julia kaya naghiwalay

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAHANGA-HANGA ang ginawang pag-amin ni Gerald Anderson na may pagkukulang siya kay Julia Barretto kaya …

Jessy Mendiola Luis Manzano

Luis at Jessy puno ng pasasalamat ngayong 2025 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez MATAPOS ang isang matagumpay na taon para kina Jessy Mendiola at Luis Manzano, nagpasalamat …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …