Tuesday , February 27 2024
Ana Jalandoni

Viva artist Ana Jalandoni certified producer na

MATABIL
ni John Fontanilla

MULA sa pagiging businesswoman at artista, pinasok na rin ng maganda at sexy Viva artist na si Ana Jalandoni ang pagpo-produced ng pelikula via Manipula mula sa panulat at direksiyon ni Neal Buboy Tan.

Ayon kay Ana, pinag-aralan niyang mabuti ang lahat-lahat patungkol sa pagpo-produce ng pelikula bago siya nagdesisyong simulan ang  Manipula na siya rin ang lead actress katambal ang controversial at man of the hour na si Aljur Abrenica.

At bilang Viva artist, nagpaalam ito sa Viva Entertainment na magpo-produce siya ng pelikula na siya ang bida at pinayagan naman siya.

Ito ang maituturing na kauna-unahang pagbibida sa pelikula ni Ana at ito  ang pinaka-challenging role na kanyang nagampanan sa mga pelikulang nagawa niya. Limang karakter ang ginagampanan niya sa Manipula  na ang main goal ay makapaghiganti sa mga taong gumahasa at pumatay sa kanyang ama.

Base na rin sa trailer ng movie, napakaganda ang pagkakagawa nito at mahuhusay ang mga actors na kasama rito lalo na si Ana na ayon kay Direk Neal ay napakahusay at walang kiyeme sa daring at maseselang eksena.

Simula pa lang ito ng kanyang pagpo-produce ng pelikula at balak niyang mag-produce pa ng marami.

Gusto rin nitong makatulong sa kanyang mga kapwa artista at sa mga taong nasa likod ng paggawa ng pelikula para magkaroon ng extra trabaho.

Bukod kay Aljur kasama rin sa Manipula sina Kiko Matos, Mark Manicad, Marco Alcaraz, Christian Vasquez, Allan Paule, Rolly Inocencio, at Rosanna Roces

About John Fontanilla

Check Also

Jo Berry Lilet Matias Attorney At Law

Jo Berry pangarap ng amang maging abogado natupad

RATED Rni Rommel Gonzales LITERAL na napaluha kami habang nagbabalik-tanaw si Jo Berry sa napakasaklap na karanasan …

Dominic Roque Bea Alonzo

Hiwalayang Bea at Dominic pinagma-maritesan ng mga socialite

COOL JOE!ni Joe Barrameda HANGGANG ngayon ay palaisipan pa rin sa mga netizen ang biglang …

Jo Berry

Jo Berry kabado seryeng papalitan napakataas ng ratings

COOL JOE!ni Joe Barrameda  MATAGAL din nawala Si Jo Berry bago nabigyan ulit ng project sa GMA. Bago …

Angelica Jones Angelo

Angelica Jones sumangguni na sa abogado, ama ng anak idedemanda

NANGINGILID ang luhang ibinahagi ni Angelica Jones na tuloy ang laban sa tatay ng kanyang anak. Sa …

Luke Mejares

Luke Mejares kaliwa’t kanan ang gigs

MATABILni John Fontanilla BUSY as a  bee ang mahusay na singer & composer na si Luke Mejares dahil …