MA at PA
ni Rommel Placente
SINAGOT at nagpaliwanag na si Shuvee Etrata sa isang panayam sa kanya, tungkol sa mga lumang video niya na naglalabasan ngayon.
Isa na rito ang pagsagot niya ng ewww, nang matanong sa kanyang vlog kung Totropahin o Jojowain niya si Vice Ganda.
“Nag-eww talaga ako, kasi parehas kaming girl.
“I sent a message kay Meme regarding ‘yung mga fake (news) na lumalabas na ano. Kasi, gusto ko lang din i-clarify ‘yung side ko na ‘Meme I was always honest about my feelings to you. I never lied. I’m here to wait naman po (sa reply ni Vice).”
“Magkikita raw sa shooting ng ginagawa nilang pelikula sina Vice at Shuvee. At kakausapin ng huli ang una.
“So maybe we can talk things out,” aniya pa.
Well, kung ganyang hindi nagri-reply si Vice kay Shuvee, hindi kaya ibig sabihin ay galit siya sa dalaga?
At kung kakausapin siya ni Shuvee, tanggapin kaya niya ang paliwanag nito?
May reaksiyon naman ang mga faney ni Shuvee sa ginawa niyang paliwanag.
Sabi ng isa, “Shuvee no need to explain. Just be yourself.”
Sabi naman ng isa pa, “mas marami nagmamahal kesa basher.”
Sundot ng isa pa, “grabe no! how cruel the world is.. need pa ni shuvee to explain her side and clarify things na in the first place, the haters/bashers are the ones dragging her to downfall..they really build a strong guns and bullets just to take her down.”
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com