MA at PA
ni Rommel Placente
NAGALUGAD ko sa isang FB page, ang post ng mga retrato ng exes ni Gerald Anderson na sina Bea Alonzo at Julia Barretto. Ito ay para pagkomparahin ang dalawa.
Sa caption, nakasulat na mas maganda si Bea kompara kay Julia. Nasa tamang tao raw kasi ang dating ka-loveteam ni John Lloyd Cruz. Masaya raw ito at walang problema sa piling ng boyfriend na si Vincent Co.
Unlike raw Julia, na tumanda ang hitsura, dahil sa problema, noong sila pa ni Gerald.
Pero siyempre, to the rescue ang mga faney ni Julia. Hindi sila papayag na malait ang kanilang lodi, at masabihan na mas maganda si Bea.
Sabi ng isa, sa picture raw kasi, ay naka-make-up si Bea, kaya lumalabas na mas maganda iyon kaysa kay Julia.
Pero kung pareho raw silang walang make-up at pagtabihin, mas lulutang pa rin daw ang ganda ng dalaga ni Marjorie Barretto.
Talbog!.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com