Thursday , March 5 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Piolo Pascual Maricel Soriano Belle Mariano Joshua Garcia JK Labajo

JK Labajo iniintriga ‘di pagdating sa premiere night ng kanilang movie

MA at PA
ni Rommel Placente

DUMALO sa premier night ng isang pelikula ni Piolo Pascual ang co-stars niya sa pelikulang Meet, Greet & Bye na sina Maricel Soriano, Belle Mariano, at Joshua Garcia. Pagpapatunay lang ito na sa suportang ipinakita ng tatlo kay Piolo, may nabuong magandang samahan sa kanila. 

Pero hinahanap ng iba si JK Labajo, na kasama rin  nila sa pelikula. Bakit daw no show ang singer-actor? 

Iniintriga tuloy sina Piolo at JK, na siguro raw ay hindi sila naging malapit sa isa’t isa.

Pero baka naman that time ay may previous commitment si JK.

Samantala, hindi man dumalo si Piolo sa malawakang rally against corruption noong nakaraang Sunday, nagsalita rin siya tungkol dito.

Bago kasi magsimula ang premier night, ay nagbigay muna ng mensahe si Piolo. 

Pinasalamatan niya ang lahat ng dumalo. At naisingit niya ang nangyayaring corruption sa ating bansa.

Sabi niya, “Muntik nang ma-cancel ‘yung premier because of the thyphoon, and we had to consider that.

“So, thank you for taking your time kahit may mga baha, kahit may mga corrupt. Ipinasok ‘yung corrupt,” natatawang sabi pa ni Piolo.

O  ‘di ba, pinaringgan ni Piolo ‘yung mga corrupt na politicians?

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Bravo Advocacy Awards Cecille Bravo

Bravo Advocacy Awards ni Cecille Bravo inilunsad 

MATABILni John Fontanilla INILUNSAD sa katatapos na Huwarang Filipino Awards, Outstanding Men and Women, at Outstanding Youth …

Love Kryzl

Love Kryzl at mga kapatid ipinagdiwang musika, negosyo, at tagumpay

PINAGSAMA ni Love Kryzl at mga kapatid nito ang musika, negosyo, at pagpapahalaga sa pamilya sa isang …

Jerald Napoles Kim Molina

Kim, Jerald ikinasal sa Bohol

IKINASAL na noong Marso 1, 2026 sina Jerald Napoles at Kim Molina sa Amorita Resort, Panglao, Bohol. Star studded …

Joel Cruz

Joel Cruz umamin may dalawang BF na artista

MATABILni John Fontanilla WALANG kagatol-gat na inamin ng tinaguriang Lord of Scents at Presidente & …

Jillian Ward Eman Bacosa Pacquiao

Jillian sinuportahan laban ni Eman

MATABILni John Fontanilla MARAMING humanga kay Jillian Ward nang suportahan nito ang laban ni Eman Bacosa Pacquiaonoong Sabado …