Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Ashdres Ashtine Olviga Andres Muhlach

AshDres fans nagpagawa ng 9 LED billboards

MA at PA
ni Rommel Placente

GRABE ang pagmamahal at suportang ipinakikita kina Ashtine Olviga at Andres Muhlach ng kanilang mga faney, huh!

Nagpagawa lang naman ng 9 LED billboards ang iba’t ibang grupo ng fan club nila para sa promo ng launching movie nila na Minamahal..100 Bulaklak Para Kay Luna, na showing na ngayon sa mga sinehan.

O ‘di ba, yayamanin ang mga faney ng AshDres.

Kesehodang gumastos sila, masuportahan lang ang movie ng kanilang mga idolo.

Ang LED billboards ay hindi lang matatagpuan sa EDSA kundi maging sa Cagayan de Oro City.

Post nga ng isang grupo ng mga tagahanga ng AshDres, ang Amigas of AshDres, “EDSA won’t just be busy on September 24..it’s turning into a garden of kilig. Thanks to Minamahal.

“Our 9 LED billboards for Minamahal will officially light up the Metro to celebrate the first day showing of AshDres’ movie.”

Ang 9 LED billboards ay nasa EDSA Deca Tower, EDSA Boni Avenue, EDSA Shaw Intersection, EDSA GA Tower, EDSA Magallanes, EDSA Galleria Corporate Center, EDSA Sentinel Residences, C5, at Guadalupe.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Andrea Gutierrez Isha Ponti Rey Valera

Andrea at Isha binigyan ng kanta ni Rey Valera 

RATED Rni Rommel Gonzales NGAYONG Sabado ng gabi, December 13, magaganap ang concert nina Andrea Gutierrez at Isha …

Anthony Taberna Roselle Taberna TGC

TGC nagpasalamat sa mga kabahagi nila sa tagumpay

I-FLEXni Jun Nardo LUMAGO na ang Taberna Group of Companies kaya naman mayroon na silang sariling building …

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Janna Chuchu

 International Global Achievers Awards 2025 matagumpay

MATABILni John Fontanilla WELL attended ang katatapos na pagbibigay parangal ng International Global Achievers Awards 2025 na ginanap …

Will Ashley

Will Ashley kayang magmahal ng walang hinihintay na kapalit 

MATABILni John Fontanilla GAME na game na sinagot ng isa sa hottest young actor ngayon …