Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Judy Ann Santos Lolot de Leon MMFF coffee table book

Judy Ann pinakabatang Hall of Famer nga ba sa MMFF?

PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus

KUNG ang intensyon ng MMDA-MMFF Execom thru it’s spokesperson Noel Ferrer na i-drumbeat ang pagiging Youngest Best Actress Hall of Famer ni Judy Ann Santos, pwes, nagtagumpay sila.

‘Yun nga lang, nagbunga ito ng maraming confusion lalo na sa panig ng maraming hindi nakaaalam na noong 2019 pa na-induct as Hall of Famers sina Nora Aunor, Vilma Santos, Amy Austria, at Maricel Soriano pati ang ilan nilang male counterpart.

Hindi nga lang naging kasing-laki at walang pormal na seremonya ng gaya sa ginawa nila kay Juday last Sept. 12, na itinaon din sa launching ng coffee table book ng MMFF sa selebrasyon nito ng ika-50 taon.

Siyempre dahil sa nalikhang confusion, bigla silang maglalabas ngayon ng anunsyo na kesyo naimbitahan naman sina Ate Vi, Maria, at Amy, pati na sina Christopher de Leon, Cesar Montano, etc.

Sa mga practicing PR peeps, ‘yung intensiyon na gawing publicity slant at material for a good cover for bigger media exposure siyempre ang isa sa mga iisiping gawin.

At kay Noel na nga mismo nanggaling na ang sarap gawing “copy” kumbaga sa advertisement na pagsamahin sa isang entablado ang superstar at ang young superstar sa naturang selebrasyon o induction. Mereseng naging background lang ang iba pa nilang na-induct na Hall of Famers gaya nina direk Joey Reyes, Joel Lamangan, Ricky Lee at iba.

At dahil “young” nga ang parang tema na nais nilang i-push at 50th anniversary, sige na lang. Ibigay na kay Juday ang titulong Youngest Best Actress MMFF Hall of Famer, kahit pa ayon sa kasaysayan ay 46 years old na ito nang mapanalunan ang kanyang ika-tatlong best actress kumpara kina Nora na 29 years old, Amy-33, Vilma-36, at Maricel-42.

HIndi nga naman magandang gawing ‘sipi o press release na at 46, si Juday, bilang latest inductee ang pinaka-matandang nakakuha nito. Chararat namang talaga.

But then again, history po ito in the making at ang mga susunod na henerasyon o maging ang kasalukuyang nag-aaral ng local film industry ay baka malito sa ibinigay nilang “label, monicker, o title” kay Judy Ann.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ambet Nabus

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …