PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus
NAPANOOD kamakailan sa Netflix ang One Hit Wonder movie na pinagbibidahan nina Sue Ramirez at Khalil Ramos.
Uy, napaiyak kami ng movie dahil sa pagiging simple ng kuwento at tagos sa puso nitong mga eksena.
Hindi ako batang 90’s (proud na batang 70’s ako hahaha!) pero ‘yung effect ng love story ng mga bida na may backdrop ng 90’s songs and music ay tunay namang nakae-engganyong panoorin.
Kapwa magaling sina Sue at Khalil kahit noong una ay hindi aakalaing puwede silang magka-love team.
Malalim mag-emote si Khalil habang may very expressive eyes talaga si Sue na madali mong maunawaan ang mga emosyon.
Kasama nila sa movie sina Gladys Reyes, Lilet, Gelli de Belen, Romnick Sarmenta (ang husay-husay sa eksenang namatay), Matt Lozano, Victor Medina, at Vivoree Esclito.
Ito na yata ‘yung movie na nag-cameo appearance ang napakaraming mga kilalang “musician” na sumikat noong 90’s namely, Barbie Almalbis, Dong Abay, Jeffrey Hidalgo, Mark Escueta, Francis Reyes, Ito Rapadas, Jay Durias, Cookie Chua, Skarlett Brown, Markki Stroemm, plus sina Dingdong Avanzado, Alex Calleja, Donna Cariaga, Mel Martinez, Ron Macapagal, Louise Alivio, Alwyn Uytingco, Eric Nicolas, at Jackie Lou Blanco.
May iba pang mga namumukhaan naming bandista o mga nasa music scene noong 90’s na nag-skip sa memory namin ang names.
Direktor at writer nito si Marla Ancheta na halatang batang 90’s. Ang tindi ng recall ng mga ilang classic songs na ginamit sa movie, na kayo na lang ang mag-enumerate dahil sure kaming alam na alam ninyo.
Worth-watching ito mga ka-Hataw.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com