Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Media News Reporter

Media outlets/anchors/hosts tumitindi mga usapin

PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus

SA tumitinding isyu ng media outlets/anchors/hosts na kinuwestiyon ni Pasig City Mayor Vico Sotto, tila naglabasan din ang news personalities within the mainstream media, airing his/her story on such.

After na sumagot si ateng Korina Sanchez sa patutsada ni Mayor Vico, wala na tayong nabalitaan kung itutuloy ba nito ang posibleng pagsampa ng legal action.

Wala pa ring inilalabas na pahayag si Julius Babao na isa rin sa mga nag-interview/nag-feature sa mga Discaya na pinagmulan nga ng “media inquiry” ni Mayor Vico.

Hindi na rin nasundan pa ang sagot-puna ni Arnold Clavio kay Mayor Vico dahil tila mas marami ang nagtatanggol ngayon sa batang mayor.

Pinag-usapan din ang napakahabang post ni Niko Baua na may pa-blind item pang sinabi tungkol sa isang news anchor na nasa payroll umano ni Janet Napoles.  At may mga sumunod pang umiikot na clips/interviews between and among news anchors talking about bribery, unlimited editing, political accommodation etc, kaugnay ng suhulan at bayaran umano.

Nakakaloka dahil tila may kung anong estado na ngang nakaka-alarma sa mga legit and mainstream media practitioners na dawit at sangkot sa mga katiwalian ng bayan.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ambet Nabus

Check Also

Lala Sotto MTRCB Warner

Lala Sotto, nakipagpulong sa mga kinatawan ng Disney+, Warner Bros., at HBO

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ANG Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson …

Bela Padilla Rekonek

Bela Padilla kayang mabuhay nang walang internet, tampok sa MMFF entry na “Rekonek”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISANG overseas Filipino worker (OFW) ang papel na ginagampanan ni …

Andrea Gutierrez Isha Ponti Rey Valera

Andrea at Isha binigyan ng kanta ni Rey Valera 

RATED Rni Rommel Gonzales NGAYONG Sabado ng gabi, December 13, magaganap ang concert nina Andrea Gutierrez at Isha …

Anthony Taberna Roselle Taberna TGC

TGC nagpasalamat sa mga kabahagi nila sa tagumpay

I-FLEXni Jun Nardo LUMAGO na ang Taberna Group of Companies kaya naman mayroon na silang sariling building …

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …