Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Will Ashley

Will Ashley isa na sa importanteng aktor sa GMA

PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus

HINDI na mapigilan ang sobrang pagiging in-demand at busy ngayon ni Will Ashley.

After lumabas at manalo sa PBB Collab edition, higit na nakilala at naging curious ang maraming tao sa guwapong GMA Sparkle artist.

Nakita namin ito sa ongoing series na Sanggang Dikit FR nina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo, na isang batang pulis ang role. Inferness, super guwapo niyang pulis hahaha.

Mayroon ding tatlong pelikulang ginagawa ang batang aktor. Nariyan ang Bar Boys,  Poon, at ang triangle move tandem nila nina Dustin Yu at Bianca de Vera under Regal Entertainment na Love You So.

Mayroon pa kaming naririnig na big project na kasama niya ang pamilya de Guzman (Klarisse, Esnyretc of PBB), plus another TV show bago matapos ang taon.

Ay grabe, kung dati ay halos hindi siya pinapansin, ngayon ay inihihilera na nga si Will na susunod na pinaka-importanteng male star ng GMA family.

Sa katatapos na FAMAS awards, siya ang pinaka-bagets na nakahilera ng mga bigating aktor sa Best Supporting category na kahit hindi nanalo ay sobrang proud ang mga supporter niya. 

Imagine ba naman kasing mailinya siya kina Joel Torre, Sid Lucero, Jhong Hilario, Jeric Raval, at Ruru Madrid?

Congratulations Will, you deserve more!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ambet Nabus

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …