PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus
ITINANGHAL na Best Supporting Actor sa katatapos na FAMAS si Jeric Raval na, pinagbibintangang inililihis ang isyu sa intrigang hindi niya ‘deserve’ ang award.
Mas pinag-usapan kasi ang ginawa niyang pambubuking na umano’y may dalawa na pala siyang “apo” kina AJ Raval at Aljur Abrenica.
Sinabi nga niya ‘yun matapos talunin sa naturang kategorya ang mga de-kalibreng sina Joel Torre, Sid Lucero, Ruru Madrid, at Jhong Hilario.
Kaysa nga naman daw na intrigahin siya nng intrigahin sa panalo niyang hindi naman niya kasalanan kung sa kanya ibinigay ng mga hurado, eh mas mabuti pang pag-usapan na lang ang ibang isyu.
At doon nga raw nito ibinuking na naka-dalawa na palang anak sina AJ at Aljur.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com