Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Aldub Maine Mendoza Alden Richards JoWaPao

Maine nakiusap ‘wag i-bash si Alden

PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus

KAWAWA rin naman si Alden Richards matapos ang rebelasyon ni Maine Mendoza.

Alam naming walang intensyon si Maine na masaktan si Alden at makatanggap ng negative reactions, pero sadyang malupit nga ang mga taong sa tingin nila ay “naloko” sila.

Hindi raw kasi ma-gets ng mga fan at supporter ng AlDub ang sinasabing “magic” ni Alden kaya’t hindi nito diretsong masagot ang noo’y naging tanong ni Maine.

“May pa-magic-magic pa siya eh answerable by yes or no naman ang tanong ni Menggay (Maine) tungkol sa totoong nararamdaman nito dahil mahal na nga ni Maine si Alden that time,” sigaw ng mga fan ni Maine.

“Kaya huwag siyang mag-inarte na baka mawala ang magic dahil obvious namang ginamit lang niya si Maine. Ewan ba namin sa taong iyan, kahit sa mga ibang babaeng artista na na-link siya, never siyang naging totoo,” dagdag pa ng mga ito.

Well, lumang usapin na ang pinag-uusapan na naging topic lang kamakailan sa vlog ng mga Dabarkads at marespeto namang sinagot ni Maine.

In fact, nakiusap pa nga si Maine na huwag naman sanang i-bash o paratangan ng kung ano-ano si Alden dahil matagal na at napag-usapan na nila ang nakaraang mga ganap. 

Talaga lang may mga kuwentuhan daw ang Dabarkads na kahit matagal nang nangyari ay laman ng kanilang tsismisan, tawanan, at okrayan.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ambet Nabus

Check Also

Andrea Gutierrez Isha Ponti Rey Valera

Andrea at Isha binigyan ng kanta ni Rey Valera 

RATED Rni Rommel Gonzales NGAYONG Sabado ng gabi, December 13, magaganap ang concert nina Andrea Gutierrez at Isha …

Anthony Taberna Roselle Taberna TGC

TGC nagpasalamat sa mga kabahagi nila sa tagumpay

I-FLEXni Jun Nardo LUMAGO na ang Taberna Group of Companies kaya naman mayroon na silang sariling building …

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Janna Chuchu

 International Global Achievers Awards 2025 matagumpay

MATABILni John Fontanilla WELL attended ang katatapos na pagbibigay parangal ng International Global Achievers Awards 2025 na ginanap …

Will Ashley

Will Ashley kayang magmahal ng walang hinihintay na kapalit 

MATABILni John Fontanilla GAME na game na sinagot ng isa sa hottest young actor ngayon …