MA at PA
ni Rommel Placente
NAKATUTUWA naman ang mga tagahanga ni Kathryn Bernardo. Very understanding sila pagdating sa lovelife ng kanilang idolo.
Ayon sa mga ito, kung magkakaroon daw ulit ng boyfriend si Kath, o kung sino man ang bagong mapupusuan nito ay tatanggapin nila at irerespeto.
Kung ano raw ang kaligayahan ni Kath, ay kaligayanan na rIn nila.
Nali-linK ngayon si Kath kay Lucena Mayor Mark Alcala, pero walang pag-amin ang tinaguriang Asia’s Superstar kung totoong sila na.
So, kung totoong may namamagitan na nga kina Kath at Mayor Mark, wala naman palang magiging problema sa kanyang mga tagahanga. Matatanggap nila si Mayor Mark for Kathryn.
Samantala, excited na rin ang mga faney ni Kath na malapit na siyang mapanood sa bago niyang serye sa ABS-CBN, na ang katambal ay si James Reid.
Tanggap din daw nila si James para kay Kath. Kaya susuportahan nila ang serye ng dalawa.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com