MA at PA
ni Rommel Placente
NAG-CHAT kami sa isa sa mga member ng fans club ni Ashtine Olviga na si Jean Santos, para kunin ang reaksiyon niya sa pagkaka-nominate ng idol niya bilang Best New Female TV Personality sa 37th Star Awards For TV na gaganapin sa August 24 sa VS Hotel Convention Center, EDSA.
Masaya si Jean sa nominasyong nakuha ni Ashtine. Reply niya, “Ang saya po namin, and hoping na manalo po sya sa Star Awards dahil deserve n’ya po talaga ang recognition.”
Well, abangan na lang natin kung maiuuwi ba ni Ashtine ang Best New Female TV Personality award?
Ang mga kalaban ni Ashtine sa nasabing kategorya ay sina Gela Atayde, Princess “Kulot” Caponpon,Caren Eustrup, Sam Coloso, Charlie Fleming, at Atasha Muhlach.
Goodluck Ashtine.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com