MA at PA
ni Rommel Placente
PINUTAKTI ng mga panlalait ang transman at singer na si Jake Zyrus mula sa kanyang mga basher.
Nag-post kasi ang partner ni Jake, isang Filipino-American singer na si Chees sa Instagram ng litrato nila together habang naliligo sa swimming pool.
Walang inilagay na anumang caption si Chees sa kanyang IG post, kundi tanging heart exclamation emoji lamang. Nag-iwan naman dito si Jake ng three hearts emoji.
At ayun na nga, kung ano-anong sinasabi ng bashers ni Jake sa kanya, na kesyo kamukha raw niya ang namayapang komedyante na si Berting Labra.
May nagkomento pa na wala na raw career ang dating international singer bilang Charice Pempengcoat naungkat pa ang away nina Jake at inang si Raquel Pempengco.
“Sayang talaga tong bata na to..wala lng nasayangan lng ako..kse super bless sya noong c charice pa sya..sobrang bongga ba..bihira Yung gnung experience nya..wala nmn kmi magagawa Buhay mo yan..enjoy,” sabi ng isang netizen
“I dont think so na lalaki siya she looks a girl and never be a boy even i fool my mind. Cause i know she’s a girl diba?” sabi naman ng isa pa.
“Just be happy now, bahala na sa judgement day,” ang comment naman ng isa pang netizen.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com