MA at PA
ni Rommel Placente
INANUNSIYO na ng Filipino Academy of Movie Arts and Sciences o FAMAS ang mga nominado para sa awards night nila na gaganapin sa August 22 sa Manila Hotel.
Ang last year na hinirang na Best Actress sa FAMAS na si Kathryn Bernardo ay nominado ulit para sa nasabing kategorya para sa pelikulang pinagtambalan nila ni Alden Richards , ang Hello, L,ove, Again.
Ang tanong, mag-back-to-back Best Actress kaya si Kathryn sa FAMAS o iba na ang papaboran ng mga miyembro ng nasabing oldest award-giving body?
Makakalaban ni Kathryn sa Best Actress category sina Marian Rivera (Balota), Julia Montes (Topakk), Rebecca Chuanunsu (Her Locket), Ara Mina (Mamay), at Judy Ann Santos (Espantaho).
Ang Best Actor nominees naman ay sina Dennis Trillo (Green Bones), Vice Ganda (And The Breadwinner Is…), Arjo Atayde (Topakk), Alden Richards (Hello, Love, Again), Kelvin Miranda(Chances Are, You And I), at Aga Muhlach (Uninvited).
Dalawang best actor trophy na ang naiuwi ni Dennis dahil sa mahusay niyang pagganap sa Green Bones. Una ay sa MMFF 2024, at ang ikalawa ay sa The EDDYS.
Siya rin kaya ang palaring magwagi sa FAMAS? ‘Yan ang ating aabangan.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com