MA at PA
ni Rommel Placente
KAHIT pala nagkausap at nagkabati na sina Vice Ganda at MC Muah nang magkita sila sa Vice Comedy Bar na pareho nilang pag-aari, balita namin ay wala ng balak pang bumalik ang huli sa It’s Showtime ganoon din ang kaibigan nilang si Lassy Marquez.
Busy raw kasi sina at MC at Lassy sa kanilang vlog kasama si Chad Kinis. Kaya hindi raw magagawa ng dalawa na pumasok sa nasabing noontime show ng ABS-CBN everyday.
Well, ‘yun nga kaya ang tunay na dahilan? Kung tutuusin kasi, ay kumikita sina MC at Lassy sa It’s Showtime bilang hosts. At malaking tulong din sa kanila ang pagkakaroon ng regular exposure dahil sa nasabing noontime show ng ABS-CBN. Bukod sa kumikita sila rito, sa pamamagitan ng kanilang talent fee. Kaya nakapagtataka na ayaw na nilang bimalik sa It’s Showtime.
Sigurado kami na may malalim na dahilan.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com