Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Vice Ganda Kim Chiu Shuvee Etrata Fyang Smith

Vice Ganda inintriga Kim, Shuvee, Fyang

PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus

HINDI mo talaga mapipigilan si Vice Ganda kapag may nais siyang sakyan na isyu.

Sa It’s Showtime kamakailan ay nagkasama-sama ang tatlong naging produkto ng PBB.

Sina Kim Chiu, Shuvee Etrata, at Fyang na may kanya-kanyang role sa show noong araw na ‘yun.

At dahil naging tampulan nga ng bashing si Fyang nang sabihin nitong the best PBB edition ‘yung sa kanila na naging big winner siya, nang-intriga nga si meme kina Kim at Shuvee.

Sinagot ni Shuvee ang boses ni “KUYA” na the best ang bawat isang edition at may kanya-kanyang strength ang bawat edition. 

Si Kim naman na tinutukso ring magsalita pati nina Jhong Hilario et al ay nagsabing wala siyang gustong isagot dahil kanya-kanya nga iyan ng choice. 

At saka hello, sobrang iba ang time namin noon sa time nila ngayon,” ang more or less pa nitong komento.

Habang si Fyang na tila nakaupo na judge sa isang portion ay tawa lang ng tawa at tila ini-enjoy ang nasimulan niyang statement na ‘yung edition nga nila ang the best.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ambet Nabus

Check Also

Andrea Gutierrez Isha Ponti Rey Valera

Andrea at Isha binigyan ng kanta ni Rey Valera 

RATED Rni Rommel Gonzales NGAYONG Sabado ng gabi, December 13, magaganap ang concert nina Andrea Gutierrez at Isha …

Anthony Taberna Roselle Taberna TGC

TGC nagpasalamat sa mga kabahagi nila sa tagumpay

I-FLEXni Jun Nardo LUMAGO na ang Taberna Group of Companies kaya naman mayroon na silang sariling building …

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Janna Chuchu

 International Global Achievers Awards 2025 matagumpay

MATABILni John Fontanilla WELL attended ang katatapos na pagbibigay parangal ng International Global Achievers Awards 2025 na ginanap …

Will Ashley

Will Ashley kayang magmahal ng walang hinihintay na kapalit 

MATABILni John Fontanilla GAME na game na sinagot ng isa sa hottest young actor ngayon …