Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Xian Lim Mary Ganaba

Xian naging water boy sa isang beauty pageant

MA at PA
ni Rommel Placente

MARAMI ang humanga kay Xian Lim. Hindi lang kasi siya nagsilbing host sa Mutya ng South Cotobato 2025, kundi naging isa rin siyang water boy.

Sa question and answer portion kasi ng beauty contest, tinanong ng co-host ni Xian si Angelee delos Reyes si candidate number 10, Mary Ganaba, kung ready na itong sumagot sa kanilang katanungan, tugon nito, “To tell you honestly, I am not ready because I have  a dry cough. And I’ve been standing here since the awarding. So kakapalan ko na po ang mukha ko, can I ask a drink of water please? Water lang po, please!”

Pagkarinig ng sinabing ‘yun ni Mary, agad na umalis sa stage si Xian, at pumunta ng back stage para manghingi ng water na ibinigay sa dalaga. Talagang hindi niya inisip na isa siyang host, na dapat ang mga taong involved sa beauty contest ang maghahanap ng water para kay Mary, imbes na siya.

Nang  bumalik ng stage, walang nakuhang water si Xian.  Mabuti na lang, may isa sa audience ang nag-abot ng bottled water, na ibinigay kay Mary.

Sa effort na ginawa ni Xian, na nagmistula siyang water boy, marami ang humanga  isa rin kami.

Sabi nga ng isang nag-comment, ang gwapo naman ng water boy ni Mary.

O ‘di ba, walang pakialam si Xian kahit pa nagmistula siyang water boy? Kahanga-hanga naman talag ang aktor.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …