PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus
MAPAPANOOD na simula July 21 sa GMA Afternoon Prime ang Cruz vs. Cruz na pinagbibidahan nina Vina Morales at Gladys Reyes kasama si Neil Ryan Sese.
Ito ang kuwento ng dalawang pamilya na may iisang ama. Sino nga ba ang mas may karapatan, iyong ibinahay o maybahay?
Komento ng ilang netizens sa GMA Drama Facebook page, “May kilala akong ganyan. Akala ko sa pelikula lang. Masakit sa tunay na asawa ‘yung dalawa kayong babae ang titira sa iisang bahay. Pero tiniis niya kasi mahal niya ‘yung lalaki. Mas may karapatan ang maybahay lalo na’t kasal sila. Excited na kami kaabang-abang ‘to!”
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com