MA at PA
ni Rommel Placente
INAMIN ni Giselle Sanchez na nagsisi siya kung bakit tinanggap niya ang gumanap bilang Cory Aquino sa pelikulang Maid In Malacanang na ipinalabas noong 2022, na kaliwa’t kanang batikos ang naranasan niya mula sa mga tagasuporta ng pamilya Aquino.
“Pinagsisihan ko ‘yun. ‘Di ba nga sabi nila, ‘Giselle, U.P. ka, bakit mo ginawa ‘yun?’ Ganoon.
“’Di ko inisip, eh. Sana inisip ko nga naman na taga-U.P. ako, sana inisip ko ‘yung bansa ko bago ko tinanggap ‘yun. Kasi iniisip ko lang, ‘artista ako,’” ang pahayag ng aktres sa panayam ng programang Long Conversation: The Men’s Room ng One News.
Naging kontrobersiyal ang eksena ni Giselle sa Maid In Malacañang, n ipinakitang nakikipag-mahjong ang dating Pangulony Cory sa tatlong madre. Nagalit dito ang mga supporter ng yumaong dating pangulo.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com